Chapter 4: Royal Academy

874 94 14
                                    

Chapter 4: Royal Academy

----
Venus Azur's P.O.V:

"Venus, the chariot is ready."sigaw ni Luna mula sa ibaba.

Muli kong pinagmasdan ang sariling repleksiyon sa kaharap na salamin. Suot ko ang uniform na ipinadala ni Lola Nolia. It's a white long sleeve with a dark red vest and a satin bowtie partnered with a dark red skirt, pair of shoes and above the knee white socks.

I took a deep breath and exhaled deeply before making myself out of my chamber. Pagbaba ko ng hagdan ay naka abang na doon si Luna at si Mama. Sinalubong nila ako ng may mga ngiti sa labi.

"Hindi bagay ang emosyon mo sa hitsura mo ngayon."pahayag ni Mama.

"Oo nga bes, It's your first day of school kaya dapat lang na ngumiti ka."ani Luna.

Bumuntong hininga ako saka pilit na ngumiti. "I will try."

"Miss Azur, it's time to go."pahayag ng isang lalaking kutsero na mukhang congressman sa eleksiyon dahil sa kaniyang suot na tuxedo. Nandito siya para sunduin ako sakay ng isang kalesa na pang VIP. Ang kalesang pinapatakbo ng dalawang puting kabayo at gawa sa ginto ang sasakyan nito.

Nung unang makita ko ito ay tumanggi ako dahil alam kong hindi naman ako special na tao o galing sa elite family para isakay diyan. Pero sabi niya, parte daw ng school task na ipadama sa mga newcomers na welcome sila sa isang Royal Schools for Elites kaya di na rin ako nakatanggi.

"Grabi Bes! Di parin ako makapaniwala na makakapag aral kana sa Dream school mo. Mapapa Sana ol nalang talaga ako nito."nakangiting sabi ni Luna.

Bumaling ako kay Mama sabay ngiti habang siya ay napapaluha. "Ang ganda ganda talaga ng Anak ko." she said and scanned my whole body.

"Matagal na akong maganda Ma." sagot ko.

"Hambog nga lang." sabat ni Luna at nag peace sign nang samaan ko siya ng tingin.

"Miss Azur!" tawag ulit sakin ng kutsero.

Niyakap ko silang dalawa bago ako sumakay sa gintong kalesa. Kumaway pa sa kanila bago umalis. Napalingon ako sa pinanggalingan ko. Ang bahay namin na gawa lamang sa kahoy. Malayong malayo sa modernong pamumuhay sa bayan ng Gothem City. Ang lugar na tinitirhan namin na tinatawag ng ilan na eskwater's area.

Habang papalabas kami ng barrio ay agaw atensiyon ang sinasakyan ko. I feel like a princess roaming around the town.

Huminga ako ng malalim dahil sa kabang nararamdaman ko. "This is it Venus! The Royal Academy is waiting for you!" pagpapalakas ng loob ko sa sarili.

----

Habang nasa sasakyan na pinapatakbo ng dalawang kabayo ay hindi ko maiwasang kabahan. Ito ang unang beses na makakatapak ako sa Royal Academy - ang prestihiyosong eskwelahan sa bayan na tanging mga mayayaman lamang ang kayang mag aral. Ito rin ang unang beses ko na makipagsalamuha sa mga royalties.

Ilang minuto bago nakarating ang gintong kalesa sa harap ng napakalaki at mala kastilyong eskwelahan. We entered the campus. There were colorful trees, and trimmed rose bushes that lined up on the side as if giving us a way through the school building. Umikot ang kalesa sa circular driveway na may higanteng fountain.

Rags and Royalties [UNDER MAJOR EDITING) Where stories live. Discover now