Chapter 1: The Thief

2K 114 42
                                    

Chapter 1: The Thief

Tunog ng pagbalasa ng mga baraha at paggulong ng mga dices sa lamesa ang maririnig sa apat na sulok ng Casino. Makikita rito ang mga abalang businessman at mga bigating kalalakihan with their suit and briefcases.

"Aba! Mr. Yap nandadaya ka ah!"reklamo ng isang payat na lalaki sa harap ng lalaking kasalukuyang humihithit ng sigarilyo.

Inipon nya ang usok sa bibig niya at ibinuga ito sa mukha ng lalaking nagreklamo. "Di ko na kasalanan kung nagpapadaya ka, Mr Flores."walang kagatol gatol na pahayag ni Mr. Yap sabay ngisi na parang demonyo.

Kinalampag ni Mr Flores ang lamesa, causing the red wine spilled on the table. Sa galit ay dinakma niya ang kwelyo ng suit ni Mr Yap. Hindi naman maipinta ang magkahalong inis at galit na nararamdaman ni Mr Flores dahil mukhang natalo na ito sa sugal.

Biglang may lalaking dumakma sa likurang kwelyo ni Mr Flores dahilan para mabitawan niya si Mr Yap. Binitin ng lalaki si Mr Flores ng walang kahirap hirap, parang laruan na hindi makagalaw habang nakabitin gamit lang ang isang kamay.

"Wag mong insultuhin ng ganiyan ang Boss ko."ani ng maskuladong lalaki na parang si Hulk sa laki. Mukhang bodyguard yata ito ni Mr Yap.

Ngumisi ako bago naglakad palapit sa kanila.

"Who's that man?"nagtaka sila sa pagpasok ko sa eksena.

Hinugot ko ang isang silya sa mesang puno ng baraha. Naupo ako roon paharap sa kanila habang nakapandekwatro. Ipinatong ko na rin ang siko ko sa hita ko at nagpangalumbaba sa harapan nila. Sinasadya kong itabingi ang ulo ko na para bang pinag aaralan ang nangyayari.

Nagtama ang paningin namin ni Mr Flores na naghihirap sa kamay ng maskuladong lalaki.

"Need help, Sir?"I asked.

"Yes! Yes! Please!"bakas sa boses siya ang desperasyon na makawala sa lalaki. Nilingon naman ako ng maskuladong lalaki.

"Wag kang makialam dito kung ayaw mong makatikim ng kamao ko."

I devilishly smirk. "But I love fight." Tumingin ako kay Mr Yap. "How about a fistfight with your dog?"I said with a smile.

Nagtawanan ang mga tao sa loob ng Casino. Everyone stood up. Halos natuon na sa amin ang atensiyon nila at tila may pustahan ng nangyayari.

He smirked, nodding. "My pleasure!"aniya saka tumingin sa bodyguard niya. "Be good to him, Cobra."

I devilishly smirked. "Good choice.

Itinapon ni Cobra si Mr Flores at humarap sa akin. Everyone filled in awe as they witness Cobra strip his shirt. Puno ng iba't ibang tattoo ang bato batong katawan niya. Pero hindi iyon dahilan para umatras ako.

Sinugod ako ni Cobra ng nakayuko. He's like a bull in rage hitting its opponent with its horn. Adrenaline rush envelopes me. Sinugod ko rin siya. Sinadya kong magpadulas sa sahig upang lumusot sa pagitan ng mga hita niya.

Nang makabwelo ay tumayo ako at hinatak ang silya sa may tabi. Nasa likuran na ako ni Cobra kaya tinapik ko siya.

"Hey! I'm here!"

Paglingon niya ay siya ko ring paghampas ng monoblock na iyon. Nagpira piraso ang silya pero ni hindi man lang natinag si Cobra dahil sa bato batong katawan na taglay nito.

Rags and Royalties [UNDER MAJOR EDITING) Where stories live. Discover now