Chapter 8: The Kiss

545 73 14
                                    

Chapter 8: The Kiss

----
Venus Azur's P.O.V:

Huminga muna ako ng malalim bago buksan ang pinto ng kwarto kung nasaan si Papa. Pagkabukas na pagkabukas ko ay tumambad sa aking harapan si Mama. Magang maga ang mga mata niya na halatang kagagaling lang sa pag-iyak. Actually, hanggang ngayon umiiyak parin siya.

"Ma!"tawag ko sabay yakap sa kaniya.

Nataranta din ako dahil ang iyak ni Mama ay tila namatayan. Kinabahan na din ako. Nawala sa isip ko ang sariling problema. "Ma! Anong nangyari?" nag aalalang tanong ko.

Kumalas si Mama sa pagkakayakap at humarap sa akin. Mugtong mugto na ang mata niya kakaiyak. "Wala na siya huhuhu. Patay na siya Anak huhuhu." sabi ni Mama.

Napalunok ako at mas lalong lumakas ang kaba ko. Hindi! Hindi! Sampalin niyo ko dali! Sabihin niyong nagkakamali lang ako.

Biglang nag-init ang mata ko. Diko na rin inasikaso si mama at tumakbo ako papasok ng kwarto. Nadatnan ko nga doon na nakahiga at nakatalukbong ng puting kumot mula ulo hanggang paa ang isang katawan.

Papa.

Nanginig ako. Tila nanghina ang tuhod ko pagkakita sa buhay na katawan na nakaratay sa kama.

"Papa." garalgal ang boses ko pagtawag sa kaniya.

Mabigat ang hakbang ko palapit sa kaniya. Naupo ako sa gilid ng kama.
Sumikip bigla ang dibdib ko. Napakasakit! Napakabigat! Wala na si Papa. Wala na ang nag iisang lalaki sa buhay ko.

"Pa. Andaya daya mo naman eh."garalgal at namamalat ang boses ko dahil sa sipon. Dahan dahan kong kinuha ang kamay niya at hinaplos iyon. "Bakit mo ako iniwan."

Lumapit si Mama, umiiyak din siya. "Napakabait niyang tao. Nakakalungkot lang isipin na sa maikling panahon na nakasama ko siya ay napalapit na ang loob ko sa kaniya."ani Mama. "Napakabait ni Aleng Tinay."

Nangunot ang noo ko. "Aleng Tinay?"

"Oo. Anak. Siya yung matandang kasama ng Papa mo na na confine dito sa kwarto."sagot ni Mama na ikinalaki ng mata ko sa gulat. Bigla kong hinawi ang kumot na tumatakip sa ulo nung bangkay at nakita ko ang isang matandang babae.

I blinked once. "N-nasaan...si Papa?"

Napalingon ako kay Mama sa tabi ko. "Inilipat siya ng doctor sa ICU para maobserbahan."

"Ano!?"sigaw ko na ikinagulat ni Mama. Ang ibig niyang sabihin ibang bangkay ang iniyakan ko kanina? Matapos ang halos ikahimatay ko ng pag iyak kanina. Hindi pala si Papa ang iniiyakan ko.

"Kingina!"I cursed. Nabunutan rin ako ng tinik sa dibdib nang malamang buhay pa si Papa. Parang guminhawa ang pakiramdam ko sa balitang iyon.

Tsk. Kasalanan yun ni Luna eh. Dahil sa kaniya ay nag over react ako. Pota!

----
Nasa labas kami ng ICU nang lumapit sa amin ang doctor ni Papa. May mahalaga daw itong sasabihin sa amin, at ito rin ang dapat sasabihin sana ni Luna sa akin kanina. Ako naman itong si overthinker ay kumaripas agad ng takbo kanina while drawing a conclusion that he was dead.

"Good afternoon po, Doc ."bati ni Mama kay Doc. Tumango si Doc Finn bilang sagot.

Humarap siya sa ICU at tiningnan ang nakaratay na si Papa habang madaming nakakabit na devices sa katawan niya."We did a different kinds and set of test on the patient and..."panimula ng lalaking doctor. He looks young to be a resident doctor here in Houston Hospital. Sa tingin ko ay nasa 30's palang siya. Humarap siya sa amin. "Upon observation and based on the results, nahanap na namin ang problema kaya he's in coma."

Rags and Royalties [UNDER MAJOR EDITING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon