Chapter 7: Close Contact

574 82 11
                                    

Chapter 7: Close Contact

----
Venus Azur's P.O.V:

Naalimpungatan ako dahil sa malakas na pagtawa. Nailibot ko ang paningin sa paligid at napagtantong nakatulog na pala ako sa sobrang gutom dito sa library. Dito kasi ako dumiretso dahil ban ako sa Canteen dahil sa mukong na 'yon.

Tiningnan ko ang oras sa wrist watch ko at nakitang 1:30 na. Ibig sabihin ay kalahating oras na akong late. Dali dali akong bumalikwas sa kinauupuan. Mukhang napasarap yata ang tulog ko ah. Di kasi ako nakatulog ng maayos kagabi mula sa pagbabantay kay Papa sa ospital. Nailipat na namin siya sa malaking ospital kaya inoobserbahan na siya ng mga dalubhasang doktor doon.

Lumabas na ako ng library. Napatingin sa akin ang mga babaeng nandoon at tatawa tawang pinagbubulungan ako. Naningkit ang mata ko sa iniasal nila pero di ko na rin pinansin pa.

I know I was famous in Royal Academy for breaking the rules, fighting with a Marquis, and disrespecting their so called Prince and Princess. Normal na sa akin ang pagtuunan ng pansin, pagtawanan at maging outcast sa eskwelahan na ito. Pa'no pa kaya kung malaman nilang galing ako sa mahirap na pamilya. Siguradong ikamamatay nila yun sa sobrang galit. Hays.

Nagmadali akong pumunta sa classroom ko. Pagkapasok ko ay agad na napatingin sa akin ang prof ko. Nagulat siya nang makita ako, maybe because I was late.

"What happened to you, Miss Azur?"

"Sorry Ma'am. I'm late."sabi ko. Pagharap sa klase ay nagulat ako nang bigla silang humagalpak sa kakatawa. Napalunok ako sa sobrang kahihiyan. Ano bang mali sa akin? Ano bang problema ng mga ulupong na 'to?

"Did you just cosplaying dracula?"

"Nope! I think si Corazon, ang unang aswang bwahhahahaha."

"Forda Kim Kardashian ang ferson bwahhahahaha."

"CLASS! SILENCE!"sigaw ng guro dahilan para matigil sila sa kakatawa pero may ilan paring kasuklam suklam ang mga hitsura habang nakatingin sa akin. "Miss, Azur. You may take your seat."

Naupo na ako. "Anyare sa'yo? Ba't ganiyan hitsura mo?"

"Ha?"kunot noong tanong ko.

Nilabas niya ang hand mirror saka hinarap sa akin. Nagulat pa ako nang makita ang repleksiyon ko sa salamin. Makapal na makapal at itim na itim ang kilay ko, putok na putok ang blush on ko na animoy binugbog, kalat na kalat ang lipstick sa mukha ko.

Napapikit ako sa inis. Sinong Kingina ang gumawa nito?

Matapos ang klase ay dali dali akong pumunta ng banyo. Mabuti at walang tao roon. Naghilamos ako ng mukha hanggang sa matanggal ang make up, pero sobra ang kapit nito. Mukha parin akong aswang! Tangina!

May narinig akong papasok sa banyo kaya dali dali akong pumasok sa isang cubicle sa dulo. God! I can't bear looking like this! Napaupo ako sa inodoro habang hinihintay makaalis ang mga bruha na nasa labas.

"HAHAHA Kung nakita mo lang. That newcomer looks like a witch."

Teka! Ako ba ang pinag uusapan nila?

"Can't believe na magagawa 'yun ni Prince Sky. HAHAHA."

Ano? Ang mukong na 'yun ang may gawa nito sa akin?

Rags and Royalties [UNDER MAJOR EDITING) Where stories live. Discover now