Chapter 6: Sky Vs. Venus

617 78 59
                                    

Chapter 6: Sky Vs. Venus

----
Venus Azur's P.O.V:

"IKAW?!!!"nanlalaki ang mga matang sigaw ko. Napalunok ako."P-p-papaano ka nakalabas sa kulungan?"

"12 hours. I stayed on a stinky place nang ganoon katagal na oras. I can't even sleep because of the rats and cockroaches on the floor. That's the worst thing happened in my entire life" halos lumuwa ang mga mata niya sa asar. "And that is because of you!"dinuro niya ako.

Napatayo ako at mabilis kong pinilipit ang daliri niyang nakaduro sa 'kin. "Hindi ko na kasalanan na manyak ka."sabi ko saka mas hinigpitan ang pagpilipit dito.

Dumaing siya kaya binitawan ko ito."Ouch!"sabi niya saka hinipan yung daliri niyang tila napaso. Tumingin siya ng diretso sa mga mata ko. "How many times do I have to tell you na hindi ako yun? It was that old man and not me!"sigaw pa niya defending himself.

"Sabihin mo yan sa lolo mong panot!"asik ko. Tumalikod ako at akmang aalis nang paglingon ko ay may nabangga ako.Pagharap ko rito ay nakita ko ang isang lalaki. Halos mapahalik pa ako sa matigas niyang dibdib.

Kingina!

Nang iangat ko ang ulo ko para tingnan siya ay natulala na ako. He has pair of greeny fox's eyes, sharp nose, adams apple, brownish long hair. Napalunok din ako sa katangkaran niya na halos hanggang dibdib niya lang ako. Nahiya din ang dugyot kong balat sa kakinisan at kaputian niya. Ang linis niyang tingnan sa white polo shirt at black trouser niyang suot.

"Hay!!! Ang gwapo ko talaga that even a pretty lady in front of me mesmerized by my charm."sabi niya sabay hawi niya ng blond na buhok niya.

Naibalik ako sa ulirat. It was that man kanina sa parking lot. Awtomatikong nangunot ang noo ko nang makita siya.

"Oops!"he gestured raising his both hands na para bang sumusuko. "Hindi ko ginasgasan ang escoter mo ah."anito.

"Tss!"

Magsasalita na sana ako nang alisin niya ang paningin sa akin at ituon 'yun sa likod ko. Ang kaninang masaya niyang mukha ay biglang nawala at napalitan ng pagsalubong ng kilay.

"Wow! Totoo nga ang balita that you're back. Long time no see. My precious brother."nakangising sabi nitong lalaking kaharap ko pero halatang peke ang ngiti niya.

Nakakabadtrip 'to ah! Napapagitnaan ako ng dalawang lalaking 'to. Ugh!

"Cut the crap, Nick! It's as if you're happy that I'm back. Tch. Eh sa titig mo palang parang pinapatay mo na ako."sabat naman ni Sky na nasa likod ko.

"I'm not a criminal! Hindi ako kumukuha ng buhay lalo na kung enosente. I'm not a devil! And most of all, I am not like you!"may diing patama ni Nick kuno dito kay Sky habang pilit hinihinahon ang sarili pero halata namang handa na siyang manapak.

"Until now, hindi mo parin natatanggap ang nangyari three years ago. Nakaganti kana diba? And that is to ruin my life. Inagaw mo na nga ang girlfriend ko, pati ba naman kausap ko aagawin mo?"sabat ni Sky.

Biglang hinawakan ni Sky ang kamay ko at hinila palapit sa kaniya. Pero mabilis din dinaklot ni Nick ang kaliwang wrist ko. Hawak na nila ako pareho, para bang pinag aagawan.

Kingina!

"Hindi ako ang nanulot. Kusa siyang sumama sa akin. She flirts with me, and I just give in."ani ni Nick na napapangisi pa. Alam kong hindi ako ang pinag uusapan ng dalawang gunggung na ito pero tangina! Ako ang naiipit sa away nila.

Rags and Royalties [UNDER MAJOR EDITING) Where stories live. Discover now