My 11th Concept

2.4K 43 10
                                    

My Eleventh Concept: Hindi Mo Ba Ako Mapapatawad?

  ━━━━━━❁━━━━━━  

Maaga palang nag-dismiss na ng klase si Mrs. Dimaculang sa subject nyang SLC9. Katatapos lang kasi ng finals namin kaya wala nang masyadong discussion na naganap kanina at tanging pagkukumpleto na lang ng mga lectures para mapirmahan na yung clearance namin.

And to be honest, wala na akong matandaan kahit ni isa sa mga itinuro niya for the past few months para dito sa Marriage and Family na subject. Siguro dahil tumatambay lang ata yung mga lessons sa utak ko para sa examination days pero after nun, unti-unti na siyang naglalaho na parang bula. Kaya in the end, wala na akong maalala sa mga pinag-aralan ko about dito sa subject na'to.

I was on my way out nang makasalubong kita kasabay ng pagbilis na naman ng tibok ng puso ko. Meron bang gamot dito para naman magmanhid kahit kaunti lang para sa puso ko at hindi siya ganito kapag palagi kang nakikita? Hirap na hirap na nga akong kontrolin yung feelings ko sa'yo e, pati ba naman itong pag-aabnormal ng puso ko kailangan ko pa akong pahirapan?

You stopped in front of me that's why I don't have a choice but to stop as well. Balak ko pa naman sanang lumihis ng lalakaran ko para maiwasan ka ng hindi mo nahahalata kasi nabubwiset pa din ako sa'yo kahit binigyan mo na ako ng tikoy kanina for your peace offering.

"Masarap ba yung tikoy?" Bungad na tanong mo sa akin.

I just stared at you. I don't know what to react at this moment. I just stared how you manage yourself to form a timid smile while scrubbing your nape slowly. Siguro nga, wala na nga talaga ako sa sarili ko dahil kulang ako sa tulog kaya bangag ako ngayong araw at KASALANAN MO YON KAYA NAIINIS PA DIN AKO SA'YO!

"Huy, Rae!" You called me while waiving his right hand in front of my face just to get my attention.

I was about to say  my comment dun sa tikoy na binigay mo but you let out a heave sigh and talked again.

"I know," you started. "I made a mistake. Pero hindi mo ba ako mapapatawad?" 

     ━━━━━━❁━━━━━━    

033118/19:40

My Own Conceptजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें