My 12th Concept

2.2K 43 7
                                    

My Twelfth Concept: Baka Mas Lalong Hindi Makatulog

  ━━━━━━❁━━━━━━  

"BAKIT ANDITO NA NAMAN TAYO?!" Malakas mong tanong sa akin habang hinihila kita papasok sa may gilid ng palengke na tinatawag nilang Eat Street Foods Hall at patuloy na nakikipagsiksikan sa kumpol-kumpol na mga tao. And to the name itself of this place, alam nyo na kung ano ba talaga ang pakay ko dito.

"MAKA-NA NAMAN KA DYAN!" Asik ko sa'yo. "AKALA MO NAMAN SINAMAHAN MO AKO NUNG NAKARAANG ARAW NUNG NAGPAPASAMA AKO SA'YO DITO!" I continued. Nakakagalit kasi, alam mo yon? Ikaw na nga itong may kasalanan sa akin, ikaw pa itong may ganang magreklamo kung bakit dito ko gustong maghanap ng makakain.

"KAHIT NA BA!" Protesta mo pa sa akin. "ANG DAMI-DAMING PUPWEDENG MAPAGKAINAN E, BAKIT DITO MO PA GUSTO?" Sabay nagtuturo ka sa ere na hindi ko naman din makita kasi sobrang tangkad ko e, as in ang tangkad ko. Please insert a sarcastic tone here, tsk.

"TEKA NGA!" Sabi ko sa'yo pagkatapos kong tanggalin yung pagkakahawak ko sa pulsuhan mo. "BAKIT KA BA NANGENGEALAM?!" I asked you while pointing my finger in front of your face. Hindi naman tayo halatang nag-aaway, diba? If you will look around, nararamdaman ko na pinagtitinginan na tayo ng mga tao dito sa may hall dahil bukod sa nakaharang na tayo sa daanan ay nagsisigawan pa tayong dalawa. "MANLILIBRE KA BA O MANLILIBRE KA?"

"Manlilibre nga ako!" You told me while scratching your nape again which makes you look cute as fuck. Pero wala akong pakealam sa itsura mo ngayon, no?! Pagkain ang pinag-uusapain natin. Pagkain 'to, bes. PAGKAIN! "Pero ayoㅡ"

"HEP!" I cut you off. "No buts. Gusto ko dito! ISA PANG REKLAMO MO INGUNGUDNGOD KO NA YANG MUKHA MO SA PINAGBABARBECUE-HAN NG MGA PABORITO KONG ISAW!" Sabi ko sabay turo sa barbecue grill sa isang stall na pinagtigilan natin kung saan andon yung mga sari-saring iniihaw katulad na nga ng isaw, ulo ng manok, balun-balunan, addidas, beef barbecue at napakarami pang iba. Tiningnan kita ng masama para tumigil ka na sa karereklamo mo. Nako, kahit na gwapo pa yang mukha mo hinding-hindi ako mangingimi na iuntog ko yang ulo mo sa gilid ng barbecue grill.

"BARBECUE-HAN MO TO! Walang ganoong salita, oy!" Saad mo. "Tapos etong mukhang ito na sinasabi mo?" Sabay turo mo sa mukha mo which caused my heart to beat faster again inside my chest. "Ingungudngod mo diyan sa barbecue grill? Aba, respeto naman po sa gwapo kong mukha." You boasted out then nag-make face ka sa akin out of the blue.

"Oh, talaga?" I said in unbelievable tone then, saka inilapit ng medyo kaunti yung mukha ko sa mukha mo para lang sipatin at hanapin kung saan yung gwapo na sinasabi mo (kahit na totoo naman). "Kuya, asan ang gwapo diha?" I asked you habang nakapamewang ako.

Itinagilid mo ng bahagya yung mukha mo at nag-close smile ka lang na siyang dahilan para mas lalong maging singkit yung mga mata mo at siya ring dahilan na natuluyan nang nahulog ang puso ko sa sahig. SEND HELP! Sana naman saluhin mo na yung puso kong matagal nang hulog na hulog sa'yo, oh.

"Eto oh," you said it while gesturing your face. "Wag mo na ngang hanapin." You told me while twisting your mouth upwards na parang gigil na gigil ka na sa akin at malapit mo na akong umbagin. You slowly pushed my head using your finger then said this, "Baka mas lalo kang hindi makatulog niyan sa gabi kakaisip sa gwapo kong mukha."

        ━━━━━━❁━━━━━━

So, ayon! Nagawa ko yung apat na beses akong nag-update this week because of my long vacation sa work. Pero after this one, mukhang matatagalan na yung next update ko since wala nang nasa drafts (naubos ko bigla, amp) at magiging busy na this coming weeks. But, I will try my very best to update pa din. :)) HAPPY APRIL FOOLS DAY, MAHAL TAYO NI CRUSH! ♥

040118/12:44




My Own ConceptWhere stories live. Discover now