My 21st Concept

184 11 7
                                    

My Twenty-first Concept: Basta-Basta Na Lang Umiiwas

    ━━━━━━❁━━━━━━    

I was stunned by your words again while my heart is beating too fast as well. Sobrang halata na ba yung pagseselos ko? Pero inaamin ko naman sa sarili ko, e–pero sa sarili ko lang dahil wala naman akong balak na ipaalam ko sa'yo yung nararamdaman ko patungkol doon sa nangyari. 

So, ano naman kung nagseselos ako? Does my feelings matter to you? Ni wala ka ngang pakealam sa kung anuman yung nararamdaman ko, e. Dahil yung atensyon mo, kuhang-kuha na niya kahit wala naman siyang planong panindigan yung nararamdaman mo para sa kanya–para dun sa taong gusto mo.

Syempre, tao din naman po ako. Hindi naman ako katulad mong manhid na hindi nasasaktan–ay, sorry. Nasasaktan ka din pala.  Alam ko namang nasasaktan ka kapag patuloy na ipinararamdaman ng taong gusto mo na hindi ka nya gusto. Diba, we're in the same path. We're in the same road wherein we're both hurting ourselves.

And you know what's one of the saddest thing between us? Parehas tayong nagpapakatanga sa taong alam naman nating hindi tayo magugustuhan. Parehas tayong lubog na lubog sa kumunoy ng mga nararamdaman natin kaya hindi tayo makalangoy ng maayos para makaahon. At ang isa pa sa nakakalungkot, wala tayong balak na gawan ng paraan para makaalis tayo sa mga nararamdaman natin kahit doon tayo palaging nasasaktan.

Umiling ako sa'yo para makaiwas ako sa tingin mo. "Naiinis lang ako," I defended.

"We?" Halata sa boses mo na hindi ka naniniwala sa sinasabi ko. Sabagay, feelings ko nga biro lang para sa'yo, e. Kaya paano kita mapapaniwala? But I was startled when you held my right cheek and turn it left so that you can see me again. "Bakit ka umiwas ng tingin?" You asked me while trying to catch my eyes.

Pakiramdam ko hindi ko na talaga kayang hawakan pa yung lakas ng tibok ng puso ko sa mga ginagawa mo that's why I don't have a choice but to remove your hands in my cheek kasi parang wala kang balak na alisin yon at baka sumabog na lang ako bigla rito sa harapan mo kasi hindi ko na nakontrol yung puso ko, kasabay nang pagkakaroon ng lakas ng loob para makapagsalita. 

"Rio, hindi ka na nakakatuwa," I stated while glaring at you. "Alam mo yung hindi nakakatuwa? Ako yung kasama mo five days ago but you left me there without telling me the reason why. Oh, yes. You told me that you need to go because there's an emergency came up." I stated, emphasizing the word emergency. "But you didn't tell me that the emergency you were talking about is to fetch up Julia because she suddenly strained herself. Actually, okay lang naman na ipamukha mo sa akin na uunahin mo yung iba tao kesa sa kaibigan mong nagtatampo that time. Maiintindihan ko naman, e. Pero yung malalaman ko na ibang tao pala yung dahilan ng emergency na yon, do you think it's really okay to me? Sa tingin mo, sinong hindi matutuwa don sa mga ginagawa mo?"

I guess, my words also stunned you. Halatang nagulat ka sa mga sinabi ko dahil hindi ka kaagad nakapagsalita. Hindi ko alam kung saan ka nagulat, e. Dun ba sa nalaman ko na si Julia yung dahilan kaya mo ako mo ako iniwanan o dahil wala lang, dahil trip mo lang ako, ganoon ba? Ang hirap manghula kasi unang-una sa lahat, I can't even read what's on your mind. At pangalawa, si Rae ako. Hindi ako si Madam Auring.

Umiling na lang ako when I didn't get any response from you. Mukhang okay lang naman sa'yo na mainis ako dahil mas inuna mo si Julia. Sabagay, gusto mo yon, e. Sino ba naman ako? Kaibigan mo lang naman ako. Kailan pa ako nagkaroon ng laban sa taong gusto mo? Pero hayaan mo na. Okay lang naman ako, e. Okay lang ako!

"I'm going," Sabi ko sa'yo dahil tumila na din naman ang ulan. Sa sobrang pagkaasar ko sa'yo, hindi ko na alam kung kailan 'to tumila. 

I was about to take a step out of this shed when you held my wrist to stop me.

"Aalis ka man lang ng hindi mo nalalaman yung sasabihin ko? Bakit? Akala mo natutuwa din ako na basta-basta ka na lang umiiwas without telling me your reason too?" 

    ━━━━━━❁━━━━━━

Sorry sa late update! Nakatulog ako kagabi na dapat kagabi pa 'to naipost. Huhuhu, inabot na ng umaga. Pagpasensyahan ang schedule kong napakagulo that's why I don't have a specific date(s) kung kelan ba ako mag-uupdate. 

042518/05:20


My Own ConceptWhere stories live. Discover now