My 22nd Concept

97 7 3
                                    

My Twenty-Second Concept: Nagselos Ka Ba? 

  ━━━━━━❁━━━━━━  

Hindi ako makaimik. Actually, it's not that I don't know what I'm going to react to your question. Kundi–Kailangan bang letra por letra kong sasabihin sa'yo yung dahilan kung bakit ako umiiwas sa'yo? Para mo namang pinanindigan yung sinasabi ng isip ko na ang manhid mo. Pinanindigan mo na kahit kailan, wala kang pakealam para sa nararamdaman ko.

Well, who cares? Yung nararamdaman mo lang naman palagi ang mahalaga sa pagitan nating dalawa, e. Ganyan ka ka-selfish, Rio. Pero alam mo, kahit na ganyan ka? I don't know why my heart still chooses you. Sa sobrang dami ng tao dito sa mundong ibabaw, ikaw pa din yung gusto kong maging mundo kahit iba yung mundo mo.

Huminga muna ako ng malalim bago ako nagsalita. "To be honest with you, wala naman talagang nakakatuwa sa ginagawa nating dalawa, e." I stated kasabay nang pagtanggal ko sa kamay mong nakahawak sa pulsuhan ko. "Para lang tayong tanga sa ginagawa natin."

Ako, na tanga sa kakahabol sa'yo. Ikaw? Na tanga sa kakahabol sa kanya. What a perfect combination of a concept, diba? Parehas tayong tanga para sa taong ginugusto natin.

You were about to rebut, but my phone suddenly rang. I wanted to praise God right away because he saved me to your stupid questions. I quickly fished out my phone in my pocket as if I grabbed the opportunity to avoid you for a meantime. 

"Oh," I stated after answering the call. Kay Jericho galing yung tawag–kabarkada ng pinsan ko.

"Sa Saturday na 'yon, ah." Paalala niya kaagad sa akin.

Naalala ko nga pala, nagsabi pala sila sa akin na may lakad yung pinsan ko kasama ang mga kabarkada nya. Actually, kagabi pa ako nento sinusuyo para lang sumama sa kanila pero hindi naman ako makapag-decide kasi unang-una sa lahat, may ilang subjects pa akong natitira na kailangan ko pang makapagpapirma sa clearance ko para makapag-enrill na ako sa next semester. Pangalawa, gusto ko nang nasa bahay lang akong nakahilata habang nanunuod ng korean drama. And lastly, tinatamad akong gumala.

Umiwas ako ng tingin sa'yo since ayaw ko namang ma-out of place ka sa usapan namin. Hindi ko nga lang alam kung effective. "Hindi pa naman ako pumapayag, e." Sabi ko sa kanya.

He hissed. "Sumama ka na. Libre naman namin lahat ng expenses mo, e. Atsaka madaming pagkain d'on!"

Naningkit yung mata ko nang marinig ko yung salitang libre at sa dami nang pagkain don sa pupuntahan nila. Why they're saying the magic words? Nakakainia

"Oo na, oo na!" Pagsuko ko. I can't resist those words. 

"Sasama ka na?" Pagtatanong nya ulit.

"SASAMA NA NGA! ANG KULIT MO, NO?" Sigaw ko sa phone. Takte, isa pang bingi 'tong taong 'to. Sinabi na ngang sasama, kailangan pa bang ulit-ulitin?

After a few seconds, pinatay ko na yung call. Puro kagaguhan na lang naman yung sinasabi ni Jericho, e. Isa pa, alam ko namang yung pagpayag ko lang naman ang gustong marinig nun, e.

"Sino yon?"

Halos lumabas yung puso ko sa labas ng dibdib ko sa biglaan mong tanungan. Walangya, nakalimutan kong andyan ka pa pala. Chill lang, heart. Baka atakihin ka bigla, walang sasalo sa sarili mo. I told to myself.

"Si Jericho," I answered casually. 

"Ah, okay." 

And then you turned your back to me and started to walk away leaving me behind.

WAIT?

Nagselos ka ba nung sinabi kong si Jericho yung tumawag sa akin? 

  ━━━━━━❁━━━━━━  

AFTER 10 DAYS NAKAPAG-UPDATE DIN AKO OMG. ISANG HIMALA. Busy ako these past few days, sorry na. :(( Malapit ko na ding tapusin 'tong story na ito since wala na siyang patutunguhan. CHAROT. HAHAHA. Short story lang kasi 'to. :< Ang sabaw na nga nung update, e. Well, thank u po sa 50k reads sa story na itu! Sobra kong na-appreciate. ♥

  050518/09:55

My Own ConceptWhere stories live. Discover now