My 20th Concept

468 18 3
                                    

My Twentieth Concept: Nagseselos Ka Ba?

  ━━━━━━❁━━━━━━ 

Napatigil ka sa pagtapik sa likod ko. Kahit man din ako, nagulat ako sa mga nasabi ko. Stupid mouth, I thought. It was supposedly "I'm fine," even though I'm not. Nothing more, nothing less. But I don't know why and who pushed me into my limit why it slipped to my mouth and said those words to you.

Actually, wala naman talaga sa hinagap ko na sabihin sa'yo kung anuman yung saloobin at nararamdaman ko nung mga panahon na iniwanan mo ako dahil sa gusto mo. Remember when I forced you to come with me because you said that you'll treat me for your peace offering in Eat Street Food Hall? The girl you like suddenly called you out of nowhere because she sprained herself and she needs help. Like seriously? SA DINAMI NG TAO DUN SA SOCCER FIELD NA PUPWEDENG TUMULONG SAKANYA BAKIT KAILANGANG IKAW PA? Manggagamot ka ba? The last time I've checked, Information Technology ang course mo at hindi doctor. I know, you're close with her. Pero bakit kasi–ugh. Bakit ba ako naiinis? Psh.

Pinilit kong alisin yung inis na pagkakapinta sa mukha ko bago ako kumalas sa pagkakayakap mo. Ayoko namang magmukhang bwiset na bwiset sa nangyari to the point that I need to avoid you because of this. Even though you're not telling me who you like, halata naman na, e. Action speaks louder than voice. Sino ba naman kasi yung taong hindi iiwanan yung kasama niya para lang sa ibang tao? Meaning mas importante yung pinuntahan mo kesa sa akin kasi ako ang kasama mo ng mga panahon na iniwanan mo ako.

"Ah," you replied. "Si Julia ba?"

Ipinamukha mo pa talaga sa akin kung sino yung dahilan kung bakit mo ako iniwanan noon, no? Grabe ka talaga. Wala ka nang awa sa nararamdaman ko. Mas lalo mo lang tinarakan yung puso kong ang tagal nang nagsusugat dahil sa mga ginagawa mo. Tapos hindi ko man lang magawan ng paraan at makahanap ng solusyon para kahit na nakikita kong iba yung priority mo ay okay lang sa akin, hindi ako masasaktan at mas lalong hindi ako maaapektuhan.

Hindi ako makasagot kasabay nang pag-iinit ng gilid ng mga mata ko. Please, don't cry Rae. Magmumukha kang kawawa sa harapan niya, pagpipilit ng utak ko.

Lumapad yung ngiti mo nang hindi ako umimik. Gusto ko nang umismid, to be honest. Kasi hindi ko alam kung ano yung dahilan kung bakit ka ngumingiti diyan. Kung natutuwa ka ba sa itsura kong paiyak na sa sakit o natutuwa ka kasi nasasaktan mo na naman ako. 

Naiilang ako sa mga ngiti mo, kaya no choice ako kundi ang mag-respond na lang. "Hindi," I denied. Sana naman umepektib yung pagiging in-denial ko kahit ngayon lang. "Nanuod lang ako at inasikaso yung pagpapapirma ng clearance ko." I continued. Well, that's true. Five days akong busy sa kapapanood ng korean drama at three days sa pag-aayos ng mga requirements for clearance para may dahilan ako para maiwasan kita.

Tumaas yung kilay mo, "We?"

I closed my lips and frowned to you. Eto ang nakakainis sa'yo, e. ANG HIRAP MAGING IN-DENIAL SA HARAPAN MO. Hindi ko alam kung ginagamitan mo na naman ako ng lintek na reverse psychology para lang mapaamin mo ko, e! 

"If that so, and Julia's not the reason," you stated. YAN NA NAMAN TAYO SA PANGALAN NG GUSTO MO, E. "Then why you're avoiding me for five day? Yes, I know that you're watching and busy to your clearance based on your own words. Pero yung tinatawag kita every time na nakikita kita tapos hindi mo ako pinapansin. Netong mga panahon na inaantay kita sa labas ng bahay nyo para lang makasabay kita sa pagpasok pero mas pinipili mong pumasok ng umaga para maiwasan mo ako. How's that? Care to tell me what's the reason why you're acting like that?"

Mas lalong hindi na ako makaimik sa mga tanungan mo. Eto na nga ba ang sinasabi ko, e. Shet naman, oh. Saan ako manghahagilap ng ire-reason out ko para lang tumigil ka sa katatanong mo sa akin, e. Tapos hindi ko pa alam kung paano ko papahupain yung lakas ng tibok ng puso ko.

"Oh, ba't hindi ka masagot?" You asked me then starts stepping towards to me which makes me stepped backward hanggang sa tumigil ka sa paghakbang kaya napatigil na din ako.

"Tell me, Rae. Nagseselos ka ba?"

  ━━━━━━❁━━━━━━ 

Next update will be on April 23rd (night) or 24th (midnight). Maghahanap na ako ng sarili kong Rio. HAHAHAHA. Joks. Kapag sinipag ako, maglalagay ako ng maliit na quotations before magstart yung chapter, or baka sa new story ko na lang. I'm so thankful kasi may nagbabasa pa din ng story na ito kahit ang gulo na niya–yung mga tipong kasing gulo na ng feelings ko, hehehe, jk. Dun sa mga taong nangungulit just to update this story, mahal ko kayo. HAHAHAHAHA. Actually, hindi ako makapaniwala until now na umabot na yung story na'to nang ganitong kahaba. Should I be proud to myself? Huhuhu, kaiyak. 

042018/23:58

My Own ConceptWhere stories live. Discover now