My 23rd Concept

67 3 0
                                    

My Twenty-Third Concept: Hinding-Hindi Ka Matitiis

  ━━━━━━❁━━━━━━  

Hinahabol-habol mo ako simula pa kanina tapos bigla mo na lang ako iiwan dito ng wala man lang pasabi. Ibang klase ka talaga Rio kahit kailan.

Actually, I don't know what's going on with you kaya ka nagkakaganyan. Hindi ko nga alam kung totoo nga bang nagseselos ka don sa pagtawag at pag-aya sa akin ni Jericho kaya bigla mo na lang akong iniwanan dito sa may waiting shed. Sana naman, before you left me here - you told me the reason why you're acting like that. Sabi ko naman sa'yo, e. Hindi naman ako yung tipo ng tao na hindi marunong umunawa. Kairita ka, basta-basta ka na lang nang-iiwan. Kailan mo ba iiwanan yang sakit mong yan, ha? 

At dahil wala ka na rin naman doon, nagsimula na akong humakbang palabas ng waiting shed. Ano pa bang kailangan kong gawin don? Inunahan mo na akong makaalis, partida iniwanan mo pa ako nyan.

Bago ako umuwi sa amin, bumili muna ako ng samgyeopsal sa nadaanan kong korean mini-restaurant papunta sa bahay nila Ate Jai. Idadaan ko lang ito sa bahay ng kaibigan ko dahil noong nakaraang araw pa niya 'yan pinabibili sa akin. 

"Sama ka na," yaya ko sa kanya nang makarating ako sa bahay nila pagkatapos kong ikinuwento na niyayaya ako ng pinsan ko na sumama sa gig nila or whatsoever.

"Ayaw ko," tanggi nya kaagad.

Nilabas ko 'yung samgyeopsal sa bag ko while mentally crossing my fingers na kapag binigay ko sakanya 'to, baka may chance pa na mapapayag ko sya.

"HALAAA, SAMGYEOPSAL!" Tili niya at akma nang kukunin sa akin yung pagkain pero kaagad ko ding inilayo sa kanya. "Luuuuuh, ano kaya yooon?" She said it slowly while starting to pout her lips.

Tumawa muna ako ng makailang beses bago ako huminga ng malalim at nakapagsalita. Nakakahiya nang hindi magsalita sa harapan ng kaibigan ko dahil mukhang sasabog na siya sa pula ng mukha niya dahil pinagtatawanan ko yung ekspresyon sa mukha niya. 

"Sumama ka muna," sabi ko sakanya. Napa-cross arm sya pagkarinig niya 'yon. Halatang hindi niya nagustuhan yung sinabi ko kaya ganoon ang inakto niya. 

Umiling siya sa akin. Pero deep inside, tanggap ko namang hindi siya talaga makakasama kasi una, hindi niya hilig yung sumama ng sumama sa kung kani-kaninong gig lalo na kapag ako lang yung kasama niya. Second, strict ang parents niya. And last but not the least, tamad talaga siya.

So, may choice ba ako? Edi wala.

"Oo na, oo na." I surrendered. "As if namang may magagawa ako, no?" Dagdag ko pa sabay bigay ko ng plastic ng samgyeopsal sa kanya. 

Talaga naman, ang ngiti ni ale abot hanggang langit pagkatapos makuha ang gusto. 

She elbowed me while looking at her. "Ano?" I asked her. Bumungisngis lang siya sa akin. "'Wag mo akong ngitian, ah. Wala akong kasama d'on." I stated. 

Well, may kasama naman ako. Pero yung pinsan ko nga lang. Syempre, hindi naman ako pupwedeng dumikit ng dumikit d'on since may sarili ding gagawin 'yon kapag nasa mismong gig na kami. Alangan namang kay Jericho ako dumikit. Hindi naman kami close nung taong 'yon. 

"Sus. Anong walang kasama? Anong ginagawa ni Rio?" 

My eyebrow suddenly arched after hearing your name, and then I remembered what you did to me earlier while we're in waiting shed. Naiinis talaga ako sa ugali mong mahilig mang-iwan without further notice. Daig ka pa ng Meralco na magpapadala muna ng disconnection notice bago magputol ng kuryente samantalang sa'yo? Haynako, ayoko na. 

"Ayoko sa kaniya. Iniwanan niya naman ako kanina, e." I disagreed with her opinion. 'Di pupwede. Kita nyong iniwanan ako pagkatapos kong sabihin na sasama ako kela Jericho.

"May bago pa ba? Lagi ka namang iniiwanan n'on." 

Sinamaan ko siya ng tingin. KAIBIGAN KO BA 'TO? BAKIT GANITO SA AKIN? Binigyan na lahat-lahat, kumakampi pa sa'yo? Mukhang 'di lang ata Samgyeopsal ang natikman nento sa'yo kaya sa'yo pumapanig hindi sa akin, e!

"But kidding aside, believe me. Rio will be there for you. Sasamahan ka n'on sa lahat ng lakad mo basta 'wag lang may umentra. Atsaka, kung anuman yung naging pagtatalo nyo kanina o yung reason nya kung bakit ka na niya iniwanan bigla. Mawawala din yon. Maniwala ka sa akin. Hinding-hindi ka matitiis nung taong 'yon." 

━━━━━━❁━━━━━━

OMG, SI ATE JAI TALAGA YON. HI ATE YumiLokoJhaiHo YUNG REASON BA'T AKO NAG-UPDATE! HAHAHAHAHA. After a month, ngayon na lang ulit. Sorry. Soooobrang busy this last month. Kumbaga, kung hindi pa sinabi ni ate na mag-update ako, hindi talaga ako mag-uupdate. And alsoooo, may bagong story kasi akong naiisip kaya kailangan ko nang tapusin 'tong kwento nila Rae at Rio. HAYS. Eto na tayo sa ending. Charot. Matagal pa naman. Mga ilan pang pagtitiis. And I'm really happy na 53.3K na pala yung reads nentong story na ito!! Thank youuu! ♥

P.S.: I'll try to post some three chaps these coming days, kapag sinipag lol.

090618/22:23

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 09, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Own ConceptWhere stories live. Discover now