Fourteen

6.7K 51 1
                                    

"Giving up doesn't always mean you are weak, sometimes it means that you are strong enough to let go."

Jeroam

Nandito na kami sa tapat ng bahay nila Kim. Til' now, hindi pa rin nila alam na kasal na sila ni Nathan. At ngayon, may bahay pa sila. Wow diba? Grabe, ang tindi.

Isang araw lang. Isang araw lang, and everything changed.

The worst part? Kailangan kong mag panggap na okay lang lahat, dahil ako yung best friend, dahil ako yung kapatid. Kaya kailangan kung mag panggap na okay lang ako, kahit hindi. Na masaya ako kahit hindi. Galing noh? Pwede na siguro akong maging best actor. Shet, ang galing ko!

"Waaah! Ang ganda ganda naman ng bahay ni Kim! So elegant, like me." Peach

"Pero bakit ganun? Biglaan naman ata yung pag lipat ng bahay nila Kim?" Jake

"Dami niyong tanong. Doorbell nalang kayo ng malaman niyo." sabi ko

"Tsk, ang dami niyong tanong eh. Mag doorbell na lang kayo, mabuti pa." ako

Wala pa atang isang minuto, binuksan na ni Kim yung gate.

"Hi frieeeends." bati niya

"Teh, anong meron? Bakit bigla kang nag lipat ng bahay? May gyera sa bahay niyo?" Peach

"Gaga wala. Tumayo ka na nga jan, mamaya ng interrogation. Swimming tayo?" Kim

"Ay sosyal may swimming pool sila. Rich kid." Nick

"Oo noh? Hahaha. De joke lang, tara pasok kayo." sabi niya

Nauna na silang lahat. Parang mga ewan, ngayon lang ata nakakita ng bahay.

"San si Kuya? Sis-in-law?" sabi ko

Namula naman siya. "Gago. Ayun, tulog. May pupuntahan kasi mamaya eh." Kim

"Ahhh. Nga pala, ganda ng singsing natin ah." ako

"Ah? Eto? Sus, dapat lang. Ang mahal mahal kaya nito." sabi niya

"Pasok na tayo?" Kim

"Sige."

Kung saan saan namin nahanap yung grupo. Si Peach at Mae, nasa kwarto ni Kim. Yung mga boys naman, nasa kusina, naghahanap ng kakainin. Si Andrew, inumpisahang ng i-marinate yung barbeque na binili namin.

"Teh, ang ganda nung room mo, infair. Sophisticated, mas matute. Bongga." Mae

"Ay oh? Salamat." Kim

"Pero teka nga, bakit bigla nalang kayong lumipat ng bahay?" Jake

"Alam mo Jake, ang chismoso mo." ako

"Parang alam mo naman kung bakit." Jake

"Naman!" ako

"O sige nga, bakit?" Jake

"Che!" sabi ko nalang

We Got Married!Where stories live. Discover now