Forty

103 2 0
                                    

Saturday Afternoon - 2:00 PM

Kim

Ganito ba talaga feeling ng ikakasal? Hindi naman ako pasmado pero basang basa ang kamay ko dahil sa sobrang kaba. Hindi naman ako nagugutom pero parang walang laman tiyan ko sa sobrang kaba.

Naghihintay na lang ako dito sa kwarto, buong araw na rin kaming hindi nagkita ni Nathan. May mga wedding photographers din akong kasama na kinukuhanan halos lahat ng detalye para sa kasal.

In a few minutes, isusuot ko na ang wedding gown ko. My hair and make up is already done. Pinaghalong saya at takot ang nararamdaman ko ngayon, masaya ako kasi kahit sobrang bigat ng napagdaanan namin, sa wakas! Ikakasal na rin kami. I'm marrying the man I love and I can't wait to spend the rest of my life with him and our future family. Pero hindi ko magawang mag saya lang, natatakot ako kasi baka hindi siya sumipot o baka madula ako habang nag lalakad sa altar, or worse, baka hindi sumipot yung pari! Hahaha! Lahat na ata ng santo natawag ko na sa isipan ko.

"Ms. Lim, picture nalang po with the family tapos isuot na po natin yung wedding dress niyo."

Maya-maya pa pumasok na si mommy, daddy, kuya, ate Anna, and Lucas. Hindi na sila nag react kasi nakita na nila ako kanina para dun sa video. Lahat sila naka-ready na, ang pogi ng anak ko! Ring bearer siya, siyempre!

"Ms. Lim, suot na po natin ang wedding dress niyo."

Nandito na rin si Mae at Jillian, they're my maid of honours kasi. They took photos of us while putting on my dress tapos a few shots rin nung nakasuot na.

"Ang ganda mo girl!" Naiiyak na sabi ni Mae

Hindi ko mapigilang mapaluha dahil hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari.

"Ang make up babe, don't cry too much." Warned Jill

"Okay na po Ms. Lim, thank you po."

"Knock knock."

"Hi kuya." Sabi ko

Napahawak siya sa dibdib niya ng makita ako, "my beautiful princess."

Natawa naman ako sa reaction ni Kuya, may dala dala siyang maliit na box at envelope. "Pinabibigay ni Nathan." Inabot niya lang sa akin yun at hinalikan ako sa noo, "I'll see you outside, ang ganda ganda mo!"

Inabot ko kay Mae at Jill yung gift ko para kay Nathan, it was a journal and a framed photo of our very first picture together. I know he likes to write, nakita ko kasi yung memos niya sa phone niya, it was filled with dates of our firsts or yung mga memories namin that day. Hindi ko na sinabi sa kanya, pero sobrang natouch ako. Kaya binigyan ko siya ng journal, para dun na niya maisulat lahat ng mga memories namin as a family, masaya man o hindi. So that when we get older, pwede namin balikan yung mga magagandang alaala na yun.

He gave me a mockingbird necklace along with a hand written letter explaining why,

Love,

I know you're probably wondering why I chose to give you a mockingbird necklace. Simple, because you remind me of one. Mockingbirds- they're very protective of their families, after today, we will finally be a family. I know that you will do whatever it takes to protect us, your family. And though I cannot promise you a perfect marriage, but I can promise you forever. I promise to stand by your side through the ups and most importantly, the downs. I will be your mockingbird, always my love. I will protect you and our family till the end of my days.

We Got Married!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon