Seventeen

6.4K 58 5
                                    

Kim

"Isaiah? Anong gagawin mo kapag sinabi ko sayo na mahal nakita?"

"Huh? What are you talking about?"

"Hahaha! Joke! Eto naman. Masyado kang seryoso."

"Can I answer your question?"

"Oo naman."

"If you told me you love me... I would tell you that I -

"Kim! Kim! Uy gising. Baby?"

Dahan dahan 'kong binuksan ang mga mata ko. Langya panaginip lang pala.

"Kuya?"

"Okay ka lang? May masakit pa ba sayo? Sabi ni Doc konting pahinga lang okay ka na. May masakit pa ba?"

"Kuya, ang OA mo. Okay lang ako, okay na ako."

I scanned my surroundings, nasa bahay na pala ako. Nasan si Isaiah?

"Nasa kabilang kwarto si Nathan, nagpapahinga. Pinagpahinga ko na. Hindi na niya iniwan tabi mo simula nung dinala ka niya dito ng walang malay."

"Teka, ilang oras na ba akong tulog?"

"Mga anim na oras kang nasa coma- este tulog pala. Hehe."

"SIX HOURS AKONG TULOG?! SERYOSO?!"

"Oo. Nagulat nga ako eh, nung nagiiyakan sila Mommy dito di ka nagising. Ikaw kasi baby, next time pag binato ka ng bato, batuhin mo sila ng mas malaking bato." Kuya

"Kuya? Seryoso? Hahaha."

"Biro lang. Sigurado ka bang okay ka lang?"

"Opo. Malayo sa bituka. Buhay pa ko, don't worry. Hahaha."

"Nagugutom ka na ba?"

Tumango ako. "Dito ka lang, dadalhan kita ng pagkain." Kuya

"Bababa na lang ako Kuya. Mukhang di naman na ata ako makakatulog eh."

"Sigurado ka?"

Paulit ulit lang? -_-

"Opo!" sabiko

Naunang bumaba si Kuya kesa sa akin. Nag inat-inat muna ako sa kama, ang daming text nila Peach sa akin. Pero tinatamad akong mag reply, mamaya nalang. Mukhang di rin naman ako makakatulog eh.

I opened my door at nagulat nalang ako dahil may rosas sa paanan ko. Blue roses to be exact. Napangiti ako habang pinulot ko yun. Binasa ko yung card,

'Feel better wife. I'm sorry.'

OXYGEN PLEASE! HAHAHA. Edi siya na sweet.

Nag-contemplate muna ako, hindi ko alam kung bakit pero there's this strange feeling inside of me na gustong makita si Isaiah. Dahan-dahan akong pumasok sa kwarto niya, binuksan ko yung pinto at sinilip siya- tulog na tulog nga. Halatang pagod.

"Hindi mo naman kailangang gawin yun eh. Ayan tuloy, haaay." bulong ko, tsaka isinara na yung pintuan.

"Kuya, matulog ka na nga. Hindi ako makakain ng maayos dito eh." paano kasi, nakatingin lang siya sa akin habang ngumunguya ako, ang awkward kaya! >_

"Baby, anong feeling ng mabato ng bato? Masakit ba?" seryosong tanong niya sa akin

Napairap ako sa tanong niya, "Kuya? Gusto mo i-try ko sayo?" sabi ko

"Nako! Huwag naman. Baka masakit eh."

"Alam mo naman pala eh. Hahaha."

Honestly though, yung sakit, sa una lang. Hindi ko nararamdaman yung sakit nung sabay sabay na akong binato. Nung natapos na sila tsaka lang ako nakaramdam ng sakit.

"Sige na nga, boring ka na. Gisingin mo nalang ako kapag may kailangan ka. Huwag mo ng kukulitin si Nathan, bukas na kayo mag-landian. Pinagod mo yung tao." sabi ni Kuya

"Landian? Excuse you Kuya, di kami naglalandian!" depensa ko

"Okay, sabi mo eh. Kumusta na yung blue roses mo? Hahahaha." sabi niya, di ko siya sinagot, nagsubo ulit ako.

Umupo siya ulit sa harapan mo, "Pero Baby, alam mo, pakiramdam ko may gusto na yan sayo si Nathan, ayaw niya lang aminin. Ikaw rin."

"Ako rin?"

Hindi ako sinagot ni Kuya, isang makahulugang ngiti lang ang isinagot niya.

"Okay lang ma-inlove Baby, asawa mo siya. Okay lang."

"Kita mo 'to, magsasalita ng ganyan tapos bigla na lang aalis. IKAW ANG BORING KUYA!" sigaw ko

Sinubo ko yung huling subo ko. Pagkatapos kung kumain, pumunta ako sa sala at nag play ng movie- 500 Days Of Summer. AHHH I love this movie!

Napangiti ako, kinilig ako sa sinabi ni Tom, "I love how she makes me feel, like anything's possible, or like life is worth it."

It's unnatural that I'm feeling like this despite what happened earlier, pero when I met Isaiah, pakiramdam ko, anything is possible. Sana totoo, yung sinabi niya kanina.

"Not my priority? Tsk, she's been the most important person for me ever since she became my wife."

"You caught me then, will you catch me if I fall... for you this time?" I say out loud

—-


The blue rose is a flower that seeks to convey a message of mystery, enchantment and a sense of the impossible. One should never forget that as a flower that is not found freely in nature, the blue rose has a certain charm and unique mystery that does not reveal itself freely. 

We Got Married!Where stories live. Discover now