Twenty-One

6.3K 61 7
                                    

"No one believes in love at first sight, until that special person comes along and steals your heart."

---

Kim

Two Months Later

"Lovey paabot ng ng phone mo, please."

"Huh? Why?"

"Pahiram lang!"

Nakahiga ako sa kama niya, siya naman busy sa paglalaro. Psh. Di niya ba napapansin na naka-shorts lang ako! Di man lang niya napuna yung legs ko. Pft! Mean. Charot. XD

Dalawang buwan na rin ang nakalipas after everything, ang dami na ngang nangyari sa loob ng dalawang buwan na yun eh. Starting with the competition... natalo kami! Boo!!! Nanalo sila Blake at Bianca, grabe! Ang sarap rin naman talaga nung dishes nila eh. Especially yung dessert nila, yung sa amin, masarap rin naman daw kaya lang it's too plain and simple lang. Edi okay.

Hanggang ngayon hindi pa rin namamatay yung balita tungkol sa amin ni Isaiah. Minsan pa nga may mga lumalapit sa akin na babae, claiming that they saw him with another girl somewhere out there. Nung tinanong ko naman si Isaiah, bigla niya akong dinala sa simbahan.

"Anong ginagawa natin dito? Adik ka ba?"

"Let's go inside, love."

"Huh? Bakit? Huwag na, baka may misa makaistorbo pa tayo."

"Kahit sa harap lang ng altar, may gusto lang akong ipakita sayo."

"Oh? Anong sasabihin mo? Nako, buti na lang hindi pa nag uumpisa yung misa."

"We're in front of Him now. I can't lie. So all you have to do is trust me. Love, maraming susubukan na sirain tayo. Pero sana, sana kahit anong sabihin nila, huwag mo sana silang paniwalaan. Dahil simula nang makilala kita, I've never once looked at another girl the way I look at you. And ni minsan di ko naramdaman yung saya na nararamdaman ko tuwing kasama kita kapag may kasama akong iba. Ngayon, nasa harap na tayo ng Dyos, ikaw ng bahala kung maniniwala ka ba sa akin o kung maniniwala ka pa sa iba."

"Apo, um-oo ka na sa kasintahan mo, para naman makapasok na kami sa loob."

"Po? Ay, sorry po. Uhm, pasensya na. Tsk, halika na nga Lovey."

Kaya kahit anong sabihin nila, kahit ano pang paninira ang nagagawa nila sa amin ni Isaiah, hindi ako naniniwala. Kasi pinanghahawakan ko yung mga salitang binitawan niya sa harap ni Lord.

Kahit papano naman, going strong pa rin ang relationship namin. I trust him and he trusts me.

"One condition." sabi niya, at pinause yung nilalaro niya tsaka tumabi sa akin

"Oh? Ano nanaman?"

"Sleep here tonight." simple niyang sagot

"Aba lovey! Ang tindi naman ng condition mo ah. May tinatago ka sa akin noh?" biro ko

"Tss, kahit kalkalin mo pa laman ng cellphone ko at buong kwarto pati sasakyan ko, wala kang mahahanap. Alam mo kung bakit?"

We Got Married!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon