Chapter 2

4.3K 87 4
                                    

Gabbie's POV

Pinuntahan ko nalang yung bahay nila Erick, tanda ko pa din naman yung lugar kasi minsan niya na din akong dinala.

Nagdoorbell nako at naghintay para may magbukas ng gate, ang weird lang kasi tatapak ako ulit sa lugar nato pero hindi nako girlfriend ni Erick.

"Ma'am Gabbieeeee!!" teka si Aling Martha ba yung sumigaw.

"Maka ma'am ka naman! Hindi mona ako ma'am"

"Nasanay na po kasi ako! Ano nga po palang pinunta niyo dito?"

"Itututor ko si Erick"

Pumasok kami sa loob ng bahay, ai Aling Martha yung naging close ko nung pumunta ako dito kile Erick. Nakakagaan siya ng loob at napakabait so imposible na hindi mo siya maging kaibigan. Ang dami niya ding kwento so hindi ka mababagot.

Umakyat ako sa second floor kung san nandoon yung kwarto ni Erick.

Tandang tanda ko padin bawat detalye ng bahay.

I still can't believe na papasok ako ulit sa kwartong to.

Take a deep breath Gabbie at kainin mo muna pride mo, its time to tutor your ex boyfriend.

Pakatok palang ako pero binuksan na niya yung kwarto, patuloy tuloy siya sa paglalakad kaya napalapit siya ng sobra sakin.

Nagtitigan lang kami ng mga ilang segundo, bakit ba hindi ko kayang huminga ngayon?

"Alam mo namiss kita, pwedeng pa kiss!"

What the hell?

Natulak ko siya dahil sa sinabi niya.

"Pumunta ako dito kasi i meed a job, so please lang magseryoso ka at wag mokong pagudin"

"Seryoso naman ako sa sinabi ko ah! Namiss kita Gab at gusto kitang ikiss"

"First of all don't call me Gab anymore hindi na tayo ganoon ka close and second i came here kasi kailangan mo ng tutor pero sa tingin ko kalandian yata ang pinaka kailangan mo ngayon!"

nginisihan lang ako ni loko

"Why so serious Gab? Ang cute mo pag nagagalit ka?"

"I told you dont call me Gab!"

"Okay Gab"

fuckkkkkkk!

Kakakita ko lang sakanya pero naginit na agad yung dugo ko, lumabas bigla yung demon side ko dahil sa kanya.

"San mo ba kailangan ng tulong? Para masimulan na natin to at maaga tayo matapos"

"Problem solving"

"Ang basic lang nun, tapos kailangan mo pa ng magtuturo sayo?"

"Hindi kaya basic ang paglutas sa problema sa puso"

sabi niya at nginitian ako.

"Can you be more serious Mr. Gutierrez? Hindi ako nakikipagbiruan"

"Okay ma'am"

"San mo ba kasi talaga kailangan ng tulong, ayusin mo sagot mo kung hindi masasampal kita di oras"

"Science po Ms. Bossy"

mapangasar talaga siya eh no.

Tutoring My Ex Boyfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon