Chapter 5

3.6K 74 0
                                    

Gabbie's POV

"Oh pa, kailangan mong ubusin to para makainom ka na ng gamot mo" sabi ko kay papa sabay subo ng sopas na kinakain niya.

"Anak, kaya mo paba? Napaka mahal na ng mga gamot ko ah! Pano kaya kung wag ka na magtabaho"

"Pa kayang kaya ko, eh kung hindi ako sino tutulong kay mama sa pagtatrabaho? Ang isipin mo nalang pa ay yung pagpapagaling mo"

"Eh ikaw kaya ba ng puso mo na makita si Erick?" tanong ni papa sakin.

"Pa, matagal nakong naka moveon"

"Sure ka?" parehas talaga sila ni Erica, hindi sila naniniwala na nakamove on nako.

"Malelate nako pa sige alis nako!" pambabago ko sa usapan.

Ayoko talagang napaguusapan yung buhay ko.

Flashback: 2 years ago

Ito yung first date namin ni Erick as a couple. Medyo naninibago padin ako sa kasweetan niya.

Siya yung tipo ng boyfriend na hindi titigil na kulitin ka hanggang sa hindi ka ngumiti.

"Anong age gusto mong magpakasal?" tanong sakin ni Erick.

"Huh? Kasal agad? Hindi pa nga tayo sure kung magtatagal tayo e"

"Huh bakit naman? Baka sa gwapo kong to iwan mo pako!"

"Sira! Baka kasi hindi mag work tong relationship natin"

"Bat ba ang nega mo? Magtatagal tayo no" sabi ni Erick sabay halik sa labi ko.

"Alam mo Erick nakakadami ka na ng halik!"

"Hindi ka ba natutuwang halikan ka ng pinakagwapong lalake sa balat ng lupa"

"Kapal mo talaga"

"Totoo naman ah, kaya ka nga na fall dahil sa mukhang to e"

"Gutom lang yan!"

Para kaming perfect couple, lahat ng magsyota maiingit dahil sa kasweetan namin.

Hindi namin tinuturing ang isat isa na mag girlfriend at boyfriend, trinatrato namin yung isat isa bilang isang mag asawa.

Corny man pakinggan pero, totoo yon.

Mahirap kaming dalawa paghiwalayin, para nga kaming mamatay pag hindi magkasama e para bang love birds na kapag nawala ang isa hindi kakayanin na mabuhay ng isa pa.

End of flashback

But all of the sweetest memories change.

Walang taong hindi nagbabago, lahat tayo nagbabago. Not just physically, pati nadin attitude natin nagbabago.

Okay lang sana kung yung pagbabago is positive eh, pero yung pagbabago na nangyari sayo Erick is napak negative. Yung kasweetan mo nawala, yung pagiging malambing mo nawala feeling ko nga lati yata feelings mo para sakin nawala e.

Nakakagulat lang kasi parang kahapon lang mahal na mahal moko, then kinabukasan hindi na.

Yung parang kahapon lang para kang si Romeo na kayang suwayin lahat ng tao makita lang ako.

Yung parang kahapon lang para kang si Augustus Waters na handang handang ibigay sakin lahat ng gusto ko.

Pero you change.

And that change hurt me alot.

Para kang naging ibang tao, hindi nakita kilala. Minsan tinatanong ko yung sarili ko kung, ito pa ba yung taong minamahal ko? ito pa ba yung taong papakasalan ko?

Ikaw pa ba yan Erick Gutierrez?

Kasi lahat ng nagustuhan kong ugali mo biglang nawala at nagbago.

Tutoring My Ex Boyfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon