Chapter 7

3.1K 59 2
                                    

Gabbie's POV

Here comes hell again. Makikita ko na naman siya.

*Toktok*

Katok ko sa pintuan ng kwarto ni Erick, pinagbukasan niya din naman ako kaagad.

"So patingin nga ng assign---" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko ng bigla siyang magsalita.

"Are you still mad at me?"

Hindi ako sumagot, iniwas ko nlang yung tingin ko sa kanya.

"I already apologized to you! Ano pa bang dapat kong gawin" medyo may tonong galit nayung boses niya.

"Mag concentrate nalang tayo sa lessons mo Erick" pangiiba ko ng usapan.

"Ganyan ka parin ba Gab? Parang dati nagsosorry nako pero never mokong pinakinggan, never mokong binigyan ng chance na magpaliwanag. Gab hindi ka padin ba nagbaba---"

"Ang kapal din ng mukha mo e no!" bigla nalang nagunahan ang mga luha ko sa pagpatak.

"Bakit ka ganyan? Gagawa ka ng kasalanan tapos iisipin mo na kapag nagsorry ka papatawadin kana, tapos ikaw patong may ganang magalit. Erick you should know na lahat ng bagay may consequence"

"Let me just ask you Erick, habang ginagawa mo bayung panloloko mo sakin naisipin mo man lang ba kung anong mafefeel ko, Erick mahal kita! And hindi ako makahanap ng explanation sa lahat ng tanong na nasa isip ko, nagkulang bako sayo?"

nakayuko lang siya at hindi sumasagot.

"Erick binigay ko lahat, alam mo yan! But you still chose to hurt me. So kung gagawa ka ng kagaguhan please dont expect someone to forgive you. Akala ko ikaw na e, pero wala pala. Lolokohin mo lang pala ako"

"Nasayang lang yung 1 year na pagsasama natin, naounta lang sa wala. Sana maaga palang hiniwalayan mo nako e, para maaga din natapos at para hindi din gaanong kasakit. Kasi Erick ang sakit sakit nun, oo! Isang kasalanan lang yun, pero yung kasalanan na yun napakalakas ng impact sa buhay ko"

Lumabas ako ng bahay ni Erick ng may baong mga luha, ngayon ko lang nalabas lahat. Never ko siyang kinompronta about sa ginawa niya ngayon ko lang to ginawa.

Flashback: 2 years ago

Nasa vacation sila Erick ngayon, kasama niya mga kaibigan niya. Nasa boracay sila ngayon, pinapasama nga ko ni Erick e pero hindi ako sumama kasi ayokong maging singit sa vacation nilang magkakaibigan.

*Beep* tunog ng ringtone ko.

Its Erick kanina ko pa hinihintay tong tawag nato.

"Erick? Kamusta kayo diyan? Nageenjoy kaba?"

"Im sorry Erick is not here"

what the hell?! sino tong babaeng to sa kabilang linya?!

"Sino to? Bakit mo hawak phone ng boyfriend ko?"

"Girl.. Hindi na mahalaga kung sino ako. Kinakalikot ko lang yuny cellphone ng boyfriend mo then i see your number, ikaw yung girlfriend niya right?"

"Yes im his girlfriend, and why are you on his phone? Where is Erick?"

"Kakatapos lang namin, mukha ka ngang napagod siya. Ito bayung first time niya?"

"What do you mean?"

"Nalasing kasi siya, and you know... Nagsex kami"

"Hey sino yang kausap mo?" sigaw ni Erick mula sa kabilang linya.

Nabitawan ko yung phone ko at napaluhod ako sa sahig.

Hindi padin kayang iabsorb ng utak ko lahat ng narinig ko

Totoo bato?

End of flashback

Tutoring My Ex Boyfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon