Chapter 6

3.3K 67 0
                                    

Gabbie's POV

Medyo awkward padin hanggang ngayon, medyo hindi na kami nagpapansinan.

Dahil dun sa nangyari sa kotse medyo hindi na naging makulit si Erick, which is really good!

Kasi napapadali yung trabaho ko, mas maganda nga to wala kaming pansinan masiyado.

Kapag kinakausap ko naman siya tungkol naman yun sa lesson namin, hindi ko na siya kinakausap kapag yung pinaguusapan is not related to our lesson.

"Uhmm, Gab" tawag sakin ni Erick habang nagaayos ako ng bag.

Siyempre tumingin ako sa kanya.

"Gusto ko lang humingi ng tawad! Alam kong babae ka and kailangan kong respetuhin ka, im sorry!" mukha naman siyang sincere e, katulad dati kapag nagsosorry siya sakin muka siyang sincere.

"Its okay" matipid kong sagot sabay kuha ng bag ko at nagsimula ng maglakad palalabas ng kwarto ni Erick.

Flashback: 2 years ago

Its our 1st anniversary, so napagisipan naming magdate ewan ko kung saan kasi sabi ni Erick surprise daw.

I was wearing a red dress, nagayos nadin ako kahit papano so magmukha naman akong presentable.

Napakasaya ko this day, words are not enough to express my feelings. Kulang nalang umabot hanggang buwan yung ngiti ko e.

"Nandito nayung sundo mo" sigaw ni mama.

Bumaba ako at nakita ko si Erick sa labas ng bahay namin kasama ang isang napakagandang kotse. Nagprepare talaga siya.

nakakatuwa lang kasi nageeffort talaga siya ng sobra mapasaya lang ako, and never naman siyang nagkulang at araw araw niya kong napapasaya.

Simula nung firstday namin hanggang ngayon, lagi niya nakong binibigyan ng ngiti sa labi.

"You look so gorgeous Mrs. Gutierrez,"

"Wow ha! Ano na tayo kasal?"

"Soon, gusto ko lang masanay na ngayong tawagin kang ganyan para someday hindi nako maninibago"

Sumakay na kami ng kotse at nagtungo na sa aming pupuntahan.

"Isuot mo muna to"  inabot sakin ni Erick ang isang panyo at aking isinuot..

"Siguraduhin mo lang na masusurprise ako dito a!"

Naglakad kami, akay akay niya ko para hindi ako madapa. Medyo nakakatakot nga lang kasi hindi mo alam kung anong inaapakan mo.

"We're here" sabi ni Erick at tinanggal ang piring sa mata ko.

Hindi nga siya nagkamali, nasurprise niya ko......

Napakaganda ng lugar, nababalot ito ng ibat ibang kulay ng ilaw.

Punong puno din ito ng magagandang bulaklak na nagdagdag pa sa kulay ng buong lugar.

Hinawakan ni Erick ang kamay ko at nagtungo kami sa lamesa sa gitna ng sapa.

Ang sapa ay naglalaman ng mga isda, makukulay na isda.

"Maganda ba?"

"Sobra.." tangi kong nasagot.

"Gusto ko kasi itong lugar nato ang maging tanda ng pagmamahal ko sayo"

"Gabbie Arellano, ikaw ang buhay ko. Kapag nawala ka, mawawala din ang liwanag ng buhay ko. Ikaw yung dahilan kung bakit gabi gabi bago ako matulog may nakaguhit na napakagandang ngiti sa mga labi ko"

"Erixk Gutierrez, ikaw ang pinakamakulit na tao sa buhay ko. Ikaw yung nagpapasaya sakin, never kang hindi nagtagumpay na pasayahin ako. You always put a smile on my face, kapag malungkot ako napalangiti moko. This is why i love you so much Erick"

Hinalikan niya ko sa labi, bawat halik ay nagiging katumabas ng pagmamahalan namin.

We are perfect for each other.

End of flashback

We are perfect for each other, but he change.

Hindi ko mapigilang mapaiyak habang inaalala ko ang lahat ng masasayang araw na magkasama kami.

Pero lahat ng yon ay nakaraan na lamang, lahat ng yun hinding hindi na mangyayari pa ulit.

Kasi kaming dalawa, tapos na.

Kung dati araw araw niya kong pinapangiti, ngayon araw araw na siyang magiging paalala na yung lalaking nagpasaya sakin ng sobra ay ang nagpaiyak din sakin ng sobra.

--------------------------------------

Hey readers!! Next chapter niyo na malalaman kung bakit naghiwalay sila Erick at Gabbie!😊💕

Tutoring My Ex Boyfriend Where stories live. Discover now