Chapter 3

4.2K 80 1
                                    

Gabbie's POV

Nightmare

Kung idedescribe ko yung nangyari kanina, i will call it a NIGHTMARE.

Hindi ko padin masikmura si Erick, hindi ko talaga kaya na lumapit siya sakin.

Ewan ko ba pero biglang lumalabas yung demon side ko kapag nandiyan, natitriggered nalang ako bigla pag nakikita ko siya or nakakausap ko siya.

Para bang allergic na allergic ako sa kanya.

Flashback: 2 years ago

Magiilang buwan nading nanliligaw si Erick sakin, lagi niya kong sinusundo at hinahatid. Lagi ko nadin siyang kasabay pag maglalunch ako, at pinakilala niya nadin ako sa parents niya. For me Erick is a guy na pinapangarap ng mga babae, lahat ng gusto mo makikita mo sa kanya.

He knows how to treat a woman. Siguro kaya madaming nagkakagusto sa kanya dahil hindi lang siya gwapo mabait pa siya.

Naiinggit nga yung mga fans niya sakin e, pati nadin si Erica inggit na inggit din haha.

"Date tayo mamaya? Free ka?" tanong sakin ni Erick.

"Yep, wala naman akong masiyading gagawin mamaya e!"

"Ano 7:30? Sunduin kita?"

***

Ewan ko ba kung anong susuotin ko, kanina pako naghahanap ng mga damit pero lahat ng damit na meron ako is BORING!

I mean ang boring kong tignan dahil sa mga damit ko.

Pano kung hindi niya magustuhan yung itsura ko tonight, at baka magbago isip niya na ligawan ako so kailangan ko magayos ng sobra.

"Ano ba? Kanina kapa napapakali"

"Natatakot kasi ako ma, baka hindi niya magustuhan yung itsura ko kapag nagkita kami"

"Well, ito lang sasabihin ko sayo baby! Kung mahal ka talaga niya kahit ano pang suot mo o ano pang itsura mo mamahalin ka niya, kahit pa napaka panget mo magbubulagbulagan siya kasi mahal ka niya!"

napangiti ako sa mga sinabi ni mama, tama nga si mama kung tunay na mahal niya ko wala siyang pake sa itsura ko.

"Suotin mo yung damit kung saan ka komportable"

Kinuha ko ang isang jeans at T shirt.

Im ready!

"Nandito na yung ka date mo Gab!"

sigaw ni papa mula sa baba.

Bago ako lumabas binura ko muna yung lipstick sa labi ko, dito ako komportable.

Nandoon si Erick nakaupo sa sofa, nakasuot ng Gray polo at ripped jeans. He's still looks so handsome and hot kahit na naka simple clothing lang siya.

Pagbaba ko ay sinalubong agad ako ng napaka laking ngiti na nagmumula sa mga labi ni Erick.

"God damn! Bat ba napakaganda mo!" hindi ko mapigilan mapangiti at mamula ang pisngi ko.

"Stop! Wag na wag mokong binobola Mr. Gutierrez"

"Seriously, walang bola! You look so so gorgeous and stunning"

"Tama na nga Erick pag ako naadik sa mga compliments mo baka hanap hanapin ko yan"

***

Nandito kami ngayon sa seaside sa MOA medyo kanuti nalang yung tao kaya mas na feel ko na napaka romantic ng lugar.

"Erick"

"Yes?"

"Sasaktan mo bako?"

"What? Hey never kong gagawin yun"

"Kasi gusto ko Erick na ikaw yung unang lalake na pagbibigyan ko at pagkakatiwalaan ko ng puso ko. I want you to be my first and last"

"I will always treat you like a queen, araw araw kitang papasayahin. Araw araw kong ipapafeel sayo na special ka kasi special ka naman talaga para sakin"

Hinalikan ko siya sa labi. Alam ko na kinagulat niya ito pero gumanti din siya ng halik, first time ko to and i think im addicted na.

"I think yung halik na yon means, na tayo na"

hindi ko na siya sinagot at nginitian na lang.

I love you Erick Gutierrez!

End of flashback

Lahat ng bagay ay sa simula lang maganda, walang tao ang nagsawa.

Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko, bumalik lahat ng magagandang memories naming dalawa.

Sana hindi nasira yung kung anong meron kami dati. Sana walang nagbago.

Sana hindi ka naging gago Erick!

Tutoring My Ex Boyfriend Where stories live. Discover now