I - Hershey Villaruel

184 9 9
                                    

Hershey's POV:

7:34am

          Nagising ako sa ingay at lakas ng nakakapintig - tenga kong alarm tuwing umaga. Sa pagkadinig dito, naisipan ko ng tumayo at ayusin ang aking magulong kama para maghanda sa panibago nanamang araw.

          Eto nanaman, another disappointment nanaman ba? Bakit ba kasi patuloy tuloy parin akong nagigising kung paulit ulit lang naman ang mga nangyayari araw  - araw? Nakakasawa na talaga.

         Sa pagiging pagkadismaya nanaman, naisipan ko ng bumaba para kumain ng aking umagahan. These things had already been my routine. Gigising, kakain ng breakfast, maliligo, at papasok sa class ko. Wala ng nagbago. Wala naman talagang nangyayari.

          Himinga ako ng malalim as I re-think my life right now once again. Pati 'to routine nadin araw araw. Okay, I think I have to snapped out of my thoughts na. Need to focus on my day.

          Kumuwa akong 2 eggs and 3 strips of bacon as I prepared my breakfast. Usually, I'm really creative when it comes to my food pero today? Nah, ano paba sense kung pupunta rin lang naman sa bituka ko diba?

          Hi, I'm Hershey Villaruel. An 18 years old student who doesn't really know what to do with her life in the future. Trust me, I don't even know really. I've been a failed a lot times na talaga. Muntikan ng ma-drop sa school, been bullied a lot, malas sa paningin ng sarili kong pamilya, at pinaka-malala? Pinakamahina at walang utak sa aming apat na magkakapatid.

          Hindi naman talaga sa wala akong utak, the whole 18 years of my life was really a massive pressure for me. I'm supposed to be still studying Kto12 but luckily, my parents sent me much earlier in school kung ikukumpara sa mga batang ka-age ko. I'm in college aiming the dreams of my parents for me, which is to be a doctor. Pre-med course palang tinatake ko pero sukong suko na ako.

          Medicine? Hindi naman talaga yun yung gusto ko e. Sobrang napressure lang ako sa parents ko kasi gusto nila ito para sakin kaya tinake ko siya. Ang hirap kasi e. Lalo na sa aming magkakapatid, ako pa yung bunso. Si Ate Kisses yung panganay, lawyer na. Yung pangalawa, si Ate Kitkat graduated naman yun ng Accounting, ayun accountant nadin. Tapos yung pangatlo na si Ate Reese na kakagraduate lang last year ng Civil Engineering.

          Ang bigat noh? Especially kung may mga kapatid kang top examiners sa board exams. While ako, Si "Hershey tanga" na wala namang alam kung hindi umiyak lang ng umiyak sa pagkafail ko sa buhay. Napakahirap makuha yung expactations nila mama at papa. Hindi kasi nila ako naiintindihan.

          "How's your day yesterday?' Tanong ng aking nakakatandang kapatid habang humarap ako para tignan siyang papasok sa kusina.

          "Ate Kisses!" Nagulat kong nasabi. "Nandito ka pala ate, sorry po nasanay lang kasi ako na magisa sa bahay dahil lagi kayong busy sa trabaho lahat."

          She rolled her eyes at biglang sagot, "Again, don't let me repeat myself sweety. What happened yesterday? Naging sakit ka nanaman ba sa ulo, Hershey?" Malambing niyang tinanong at ngumiti sakin sarcastically.

          Napatingin nalang ako sa ibaba at napasalita nalang ng mahina, "Ate, hindi po. Okay lang po ako kahapon."

           Totoo naman talaga. Wala naman talagang nangyari kahapon sa klase ko. Actually ang tataas nga ng scores ko sa exam which is rare lang talaga mangyari. Pero I always choose na huwag nalang sabihin sa kanila kasi baka hindi ko lang makayanan i-maintain at idisappoint nanaman sila.

          "Well good, I'll be leaving. Alagaan mo nalang si Cleo, ihahatid na yun ng daddy niya maya maya, busy kasi ako sa work." Sambit niya habang inaayos yung white long sleeve niyang suot.

MUNDO - (Blaster Silonga AU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon