III - Na Nanggagaling Sa Aming Dalawa

75 7 6
                                    

Hershey

"Hala ka beshie? Ayos ka lang?" Maalalang tinanong ako ni Shanne habang magkatabi kami ngayon sa sasakyan nila papuntang University of Medicine. Na ang paaralan na kung saan kami nagaaral.

Si Shanne yung pinaka closest na bestfriend ko, wala naman talaga ako ibang kaibigan sa kolehiyo kundi si Hannah at Faye. Pero sa tatlong kaibigan ko, si Shanne talaga yung pinakamalapit sakin dahil bata palang kami, kami na yung magkasama at magkalaro. Simula ng Grade 4 kami nung Elementary, hanggang sa ngayon na College students na kami, at parehas na Nursing ang tinatake.

We both share the same dream in the future. Dalawang magkaibigan na nangangarap magtake ng Medicine someday at maging doctor.

Minsan nga napapabilib ako ng sobra kay Shanne. Kasi when it comes to our passion within our course, mas passionate siya. Kasi bata palang kami, pangarap niya na talaga maging doctor. Habang ako? Sa totoo lang, Sa pagguhit talaga at pag painting ang hilig ng puso ko. Bata palang ako, nahihilig talaga ako sa pag guguhit ng mga imaheng nakikita ko at nabubuo ko sa aking mga isipan. Nandito yung puso ko sa pag pipinta. Pero mas pinili ko parin mag take ng Nursing para sa ikagugusto para saakin ng natatanging pamilya ko.

"Okay lang ako Shanne." Ngumiti ako sakanya at napatingin nalang pababa sa librong hawak ko sa aking kandungan.

"Oh sige, Hershey ha? Sabi mo yan . . ." Sinabi niya na may pagkabahala sa tono ng pagkasabi niya. "Kanina ka pa kasi di nagsasalita diyan. Madami ka nanamang iniisip.

"Hays." Huminga ako sa pagkapagod. "Nanaginip kasi ako kanina, akala ko kasi totoo. Totoong totoo kasi Shanne. Pero nevermind. Panaginip lang naman yun."

Biglang tumawa si Shanne at sabay umiling sakin. "Alam mo beshie, lahat naman ata ng tao na nananaginip also thinks na totoo yung panaginip nila e." Sinaad niya saakin ng mabuti at muling sinabi, "You have a lot more things to think about, gaya ng mga matapobre mong mga ate."

Dahil dun, di ko na nakayanan na mapangiti at tumawa. Kahit kailan talaga 'tong si Shanne, sobra pagka - kalog. Hindi naman talaga matapobre sila ate. Ewan ko nga din e. Siguro pinaglihi lang naman sa sama ng loob yung tatlong yun.

"Oo nga naman anak." Narinig kong sambit ni Tito Archie, Daddy ni Shanne na nagdadrive ng sasakyan na sinasakyan namin ngayon. "Huwag mo masyado pahirapan sarili mo, Hershey anak. Kami nila Shanne at Tita Myra mo ay simula palang nung una ang trato namin sayo ay anak narin. Alam ko at saksi naman kami sa ginagawa sayo ng pamilya mo at ng mga nakakatanda mong ate. Masyado ka nilang pineperwisyo at kinakawawa."

Nalungkot ako ulit ako sa sinabi ni Tito Archie. Oo, lahat yun totoo. I lost my family kahit nandyan lang naman talaga sila. Simula ng pinanganak na talaga ako, kahit kailan hindi ko talaga naramdaman na isa ako sa kanila at na mahal nila ako. Pero oras at panahon din ang nakalipas ng matanggap ko lahat ng 'to e.

"Oo nga pala, kamusta na si Cleo?" Biglang naitanong ni Shane habang binuksan ang kanyang phone.

          Nga pala, panaginip lang din ba si Cleo? I mean, part din ba siya ng naging panaginip ko kanina lang? O talagang nangyari talaga? Anong parte, anong oras ako nakatulog at paano ako napapunta saaking kwarto?

          Tumungo ako at nagisip habang kinakalikot ang aking mga kuko sa pagkagulo ng aking isipan. "Shanne, nandun ba si Cleo kanina sa bahay nung pumunta ka?" Tinanong ko siya at nakita ko siyang iniisip ulit ang mga nangyari kanina. "What I mean is, sobrang lutang ko kasi e. Hindi ko na alam kung ano yung kalagitnaan between ng panaginip at sa totoong buhay. Nakakasira ulo kasi talaga Shanne yung panaginip siguro ang himbing lang talaga ng tulog ko. Just confused."

MUNDO - (Blaster Silonga AU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon