II - San Darating Ang Mga Salita?

140 8 16
                                    

Hershey

"Ms, mawalang galang na po pero san po ba talaga kayo pupunta?" Narinig ko na masayang tinanong ng matandang lalaking nagdadrive ng taxi sa harapan ko.

Nalungkot ako. Kanina pa ako paulit ulit sakanya kung saan ako bababa, ang kulit naman pala nito ni manong. Gusto lang ata nito taasan bayad ko kasi ilang oras na kaming paikot ikot kakahanap ng lugar na pupuntahan ko.

"Manong naman, nasa Cavite lang tayo kanina para maghanap ng Jollibee!" Huminga ulit ako ng malalim para pakalmahin sarili ko. "Manong naman, nakalampas na ho tayo ng Cavite! Actually hindi ko nga alam kung nasaan na po tayo e."

"Ano yun ms? Cavite? Anong lugar yun?" Tanong niyang paseryoso at tumingin sa akin na nakasakay sa likod. Seryoso niya akong tinignan na nagtataka sa salamin.

Lakas naman pala mang trip ito e.

"Ano ba naman yan! Laki na nga ata ng babayaran ko sayo manong e. Makuntento kana please." Sigaw ko sa loob ng sasakyan. "Gutom na yung pamangkin ko, anong oras na, lunch na ata tapos wala pa ako nadadala sakanya."

Pagod. Oo umaga palang kanina pagod na pagod na ako. Sumabay pa itong napakagulong sitwasyon ko sa nakakainis na driver na 'to. Bat di nalang kasi niya ako ibaba sa kahit anong fast food diyan?

Joker ata 'tong si Manong e. Ano daw yung Cavite e. Lol, patawa ka? E dun nga niya ako pinick - up e. Doon ako sa Cavite sumakay tapos hindi niya alam yun? Oh my gosh.

Sabay kamot siya sa ulo. "Nako po mam-"

"Ano?!" Sabi ko, cutting him off.

Tumawa siya ng mahina at ngumiti sakin. Nagulat ako ng bigla niyang itinigil ang sasakyan na taxi na sinasakyan namin ngayon. Napatingin ako sa lugar at nagtaka.

Buhangin? Panay puno ng buko? Walang katao - tao? Nasaan kami? Nasaan ako? Saan ba kasi kami napadpad!

Narinig ko nanaman ang tawa ng matandang taxi driver. "Pasensya na talaga ms ha. Nagugutom na kasi talaga ako e. Di pa ako kumakain ng umagahan." Sabay kuha sa lunch box niyang nakabalot sa isang paper bag na nakalagay sa passenger seat.

Seryoso ba ito? Seryoso ba nangyayari saakin ngayon!

"Anong pasensya? What do you mean?" Tinanong ko agad siya ng mabisan dahil sapagkat sa mga oras na 'to, wala narin ako sa tamang pagiisip dahil sa lahat ng mga nangyayari.

"Ms, gutom na kasi talaga ako e." Bungisngis ni Manong habang nakain at nanguya na siya. "Sige na ho, alis na ako. Bumaba kana sungit mo nakakahiya naman."

"Ha?" Sagot kong nakakaloko. Ano ba talaga? Ano nangyayari? Porket nakain siya? "Manong babayaran kita tapos iiwan mo lang ako at pabababain? Jusko naman, ang unfair niyo naman ho!"

          "Ay, hindi, hindi, hindi!!" Umiiling siya sa pag di payag habang nililigpit ang pagkain niyang hindi pa nauubos. "Sayo na yang bayad mo ms, madami pa akong gagawin. Kailangan pa ako ng pamilya ko hehe. Hinahanap na ako ni misis!"

          "Lakas ng amats mo!" Sigaw ko.

          "Ikaw nga kaganda gandang bata tatanga tanga naman! Baba! Di ka bababa?" Sigaw niya. "Sayo na yang bayad mo!"

          I rolled my eyes. "Alam mo ho manong, It'll be a pleasure para sakin na umalis at iwanan kayo. Pain in the ass po kayo. Bye!" I said happily at binuksan ng may lakas na loob ang pintuhan ng taxi at binalibag ito pasara.

MUNDO - (Blaster Silonga AU)Where stories live. Discover now