IV - Kung Lumisan Ka

90 7 14
                                    

Hershey

"So ilang taon ka na ba? Magkwento ka naman." Sabi ni Blaster habang ngumunguya sa harap ko.

"18 years old, nursing." Sabi ko sakanya at ngumiti ng konti. Ayoko talaga binabanggit yung course na kinukuha ko. Di talaga ako masaya.

Kahit na ba may taong bigla bigla nalang nagpapakita sa panaginip ko, it still feels weird pag tinatanong ako about dito. Wala naman kasi masama maging kaibigan yung lalaking nagpapakita sa panaginip mo diba?

Wala naman sigurong mawawala kung makikiride nalang ako sa panaginip ko na to at ienjoy ang buhay panaginip kasama si Blaster. Nakapagisip isip ako kanina na panaginip lang lahat ng nangyayari. Itinanong ko na lahat sakanya kung ano ano alam niyang lugar sa pinas, wala siyang kaalam alam miski Maynila. At dahil don, nakapagdesisyon ako na talagang panaginip lang talaga lahat.

"18? In college? Diba dapat Grade 12 ka pa lang?" Tinanong niya ako at pinunasan ang kanyang mga labi na panay kanin, dugyot niya kumain na nakakamay. Ang pormal ng kanyang kasuotan pero eto kami, nakain sa isang kubo at nakakamay.

"Advanced ako. Accelerated." Kinuwa ko yung baso ng tubig sa harap ko at uminom. "Trust me, hindi cool porket na accelerated ako. Hindi ako matalino."

"Fancy. Pahumble ka pa, accelerated kasi masyado kang matalino sa specific grade level na yun." Tinaasan niya ako ng kilay. "Matalino ka."

Bukod sa pagkakahiga ko sa duyan kanina sa isang cottage o bahay na nagkataon na doon pala nakatira si Blaster, nagdesisyon nalang kaming dalawa na kumain na dahil sa nararamdaman narin na gutom. Idinala niya ako dito sa isang malaking kubo na kainan. Pinoy na pinoy ang mga pagkaing inihahanda. Andaming mababait na mga tiga luto at tiga serve, kaya naman punong puno ang kubo na ito ng masasayang mga customers.

Napansin ko rin ang mga taong nakatira dito. Lahat sila parang mga tiga probinsya ang mga kasuotan, mga magsasaka at mga mananahi. Para silang mga sinaunang mga Pilipino kung manamit, sobrang ganda sa paningin.

"Alam mo, sobrang dalas mo mag space out. Okay ka lang?" Tinanong ako ni Blaster habang nanguya parin, kanina pa kasi niya sakin kinekwento kung gano niya ka paborito yung kare kare ni Aling Herna dito sa kubo. Tapos na ako kumain pero siya nakailang plato na ata jusko.

For someone na parte lang ng imahinasyon mo, sobrang kakaiba si Blaster.

"Blaster . . ." Sinimulan ko at tinitignan nanaman siya ng masama.

"Okay okay!" Tumawa siya habang inaayos ang kanyang plato dahil tapos na siya kumain. "Oo na gets ko na. Panaginip lang ako blah blah blah. Kaya madalas ka mag space out kasi gwapo yung lalaking nasa panaginip mo at nalilito ka." Asar niya.

"Talaga naman e!" Sabi ko medyo naiinis na. Kanina pa kami nagtatalo dito. Kasi totoo naman. Panaginip lang si Blaster pero pinaglalaban niya parin na hindi.

Tinitigan niya ako ng saglit at may biglaang maliit na smirk na lumabas sa kanyang mapulang labi. "Ang alin ang talaga naman? Yung panaginip thingy o kasi gwapo ako?"

Napakamot ako sa inis. "Dahil panaginip lang lahat ng ito, Blaster. Ayun yun." Siring ko. "Blaster alam mo for someone na nasa panaginip-"

"Stop. May sakit kaba? Kailangan mo ba magpatingin?" Sinabi niya sarcastically. "Tara dadalhin kita sa hobby ko, wag nalang natin pagusapan yang joke mong panaginip chuchu, lakas amats mo." Tumayo si Blaster at hinawakan ulit ang kanang kamay ko at nagsimula na kami maglakad papunta sa isang maliit na open cottage. "Panaginip na kung panaginip pero please? Hayaan mo muna akong i-tour ka dito at pawalain yang pagkasungit mo."

MUNDO - (Blaster Silonga AU)Where stories live. Discover now