V - Huwag Naman Sana (Part two)

28 1 0
                                    


here's a continuation from the last update, here's a part two of chapter five. hope you guys like it! ❤️

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Hershey

        "Hershey." Bulong niya at napatulala ng magkatitigan na kami.

"Unique, kamusta?"

          Ayun nalang ang lumabas sa bibig ko ng makita kong si Unique na nasa harapan ko. Napatulala oo, hindi ko din alam. Basta eto kami nakatayo sa campus na di mabaling ang titigan sa isa't isa. Ang tagal na rin naming hindi nagkita, ang laki na ng pinagbago niya. Huli kong kita sakanya, ang ikli pa ng buhok niya, pero ngayon ang tangkad tangkad niya at kakaiba siya tignan.

          "La-Lalo ka pang gumanda. Hershey." Ngumiti siya sakin at inayos ang kwelyo ng damit niya. "Sinadya ko talaga pumunta dito sa school niyo para makita ka."

          Sa sinabi niya, nahulog ang puso ko bigla at napatingin nalang sa semento sa sahig - sa aking mga puting sapatos.

           "Namiss din kita, Unique." Bulong ko.

          Totoo yun. Namiss ko talaga si Unique, sila ni Shanne ang kasama ko lagi. Isa din siya sa mga matuturing ko na totoong kaibigan. Laging nandiyan yan, laging handang sumuporta. Ganon din ako sakanya.

          Lungkot ang bumalot sa mukha ni Unique at kinuwa ang aking mga kamay sa kanya. Tinitigan niya ako maigi sa mga mata ko, tila ba'y mayroon itong ipinaparating saakin.

           "Hershey. Di mo narin sinasagot mga tawag ko." Malungkot niyang sinabi habang minamasahe ang mga kamay ko sakanya. "Pasensya kana if sobrang naging busy ako sayo, apat na buwan din ang nakalipas nung huli kitang nakita. Nagfofocus lang kasi -"

           "Nagfofocus lang kasi talaga ikaw sa music ngayon, I know." Tinapos ko ang sinabi niya at tumitig ulit sa mga mata niya. "I support you sa passion mo, don't be worried about it."

          "May pupuntahan ka ba? Gusto ko lang makipagkwentuhan muna sayo." Tanong niya at binitawan na ng dahan dahan ang mga kamay ko.

          Napakamot ako sa ulo at nagisip. "Uh, wala naman." Sinabi ko sakanya at napatawa siya. "6pm need ko pumunta kay prof para sa duty ko sa ospital, about sa schedule ko."

Tumungo saakin ni Unique at itinuro saakin ang pinakamalapit na bench sa kinakatayuan namin. Aming ito pinuntahan at umupo ako sa tabi niya.

Bestfriend ko din 'tong si Unique. Although kahit matanda ako ng isang taon sa kanya, kahit kailan hindi niya ipinadama saakin na iba ako at mas bata siya. Sweet siyang tao at simula palang naman dati, bukas na talaga siya saakin pag dating sa mga nararamdaman niya. Hindi niya ito pinipigilan at alam din niya na wala rin akong sapat na nararamdaman para sakanya kundi kaibigan lamang talaga.

Ngumiti si Unique at tumitig sa guitar bag na dala dala niya. Mahilig talaga siya sa musika, naaalala ko nung same school palang kami nung High School, lagi siyang active sa mga school activities gaya ng pagkanta. Lagi ko siyang hinihingkayat na gamitin itong talento na ito at ipagmalaki pa niya lalo. Napakaganda kasi ng boses niya, ito lang yung nagiisang tunog na nagpapakalma saakin pag may dinadama akong problema.

Lagi kami magkasama noon, kaming tatlo ni Shanne. Kami talaga ang literal na magkakaibigan. Saka ko na lamang nakilala sila Hannah at Faye ngayong College. Pero di ko din naman inaasahan na ang pagtapak ko rin pala sa kolehiyo ang magpapalayo sa amin ni Unique.

"Edi usap muna tayo. Nagpakahirap pa kaya ako pumunta dito para lang makita yang mukha mo nayan." Cute niyang sinabi at nagmalungkot mukha sa harap ko.

Natawa ako sakanya at magaang inihampas ito sa braso niya. "Pabebe ka parin!" Sabi ko sakanya habang natatawa parin. "Namiss tuloy kita. Maybe we should hang out soon diba? Pag di ka busy pag di ako busy kasi namiss kita."

Lumaki mata ni Unique at magulat gulat na tumingin saakin. "Miss mo ako?" Tanong niya at um-oo ako. "Ene be yen, keleg eke."

          Natawa nanaman ako sakanya at umiling. Di parin ako makapaniwala na nandito siya.

          "Paano ka naman pala nakapunta dito? Layo ng binyahe mo ah." Bati ko sakanya.

          "Ah wala, hinatid lang ako ng isa sa mga kaibigan ko may sasakyan siya e, tapos sabi ko kung pwede makisabay." Unique shrugs. "Alam mo naman na kahit anong kakapalang mukha ang gawin ko basta at the end of the day, gusto parin kita makita okay na ako. Tsaka eto nga pala oh . . ." May kinuwa si Unique na paper bag sa isa pa niyang bag at inabot saakin. "Ayan, dinalhan din pala kita ng favorite mong buttered shrimp na gawa ng aking ermat. Baka kasi wala kang dinner mamaya kaya ayan, para di ka na magluto."

            Kinuha ko ang laman ng paper bag at nakita ko ang punong punong lalagyanan ng pagkain at ito ay inamoy. Amoy palang, sobrang sarap na. Eto talaga paborito ko pag tuwing dinadala ako ni Unique sa kanila. Tagal ko nadin kasing di nakakakain ng mga lutong ulam kasi wala lagi yung nanay at tatay ko sa bahay. Nakakamiss nga din yung mga lutong ulam ni mama e. Wala na kasing tao sa bahay namin kaya ako narin kumikilos magisa. Sa sobrang busy, minsan bumibili nalang ako sa mga fast foods tapos pag sinipag naman, nagluluto naman ako pero konti lang dahil ako lang rin naman ang kakain.

           "Salamat ha. Pasensya nadin kung minsan hindi ko nasusuklian kabutihan mo saakin." Ngumiti ako sa kanya. "Ang bango bango neto."

Napatitig muna saakin si Unique ng saglit at hinawakan ako ng dahan dahan sa kamay.

"Uhhh - sige na, Hershey." Seryoso niyang sinabi. "Una kana. Diba may pupuntahan ka pa?"

Kumunot ulo ko. "Ha?" Tanong ko. "Hala e pano ikaw? Pwede pa naman ako magstay for a few minutes, Unique."

Umiling siya at ngumiti. "No, okay lang. Tsaka anong oras nadin oh. Sige na, puntahan nalang kita sainyo mamaya dadalhan kita pagkain."

Natawa ako sa sinabi niya. "No. Ang gawin mo, pumunta ka nalang. Huwag ka na magdala ng pagkain jusko. Sobra na 'tong hipon na bigay mo noh. Tsaka di ko naman 'to mauubos lahat. Dinner tayo sa bahay foodtrip."

"Sige." Um-oo siya at nakita kong lumiwanag ang mukha niya sa sagot ko. "Excited na akong makipagkwentuhan ulit sayo. Uwi muna ako, uwi ko muna 'tong mga dala ko."

Tinignan ko yung mga bag na bitbit niya at ako'y nagtaka kung paano niya nadala yun ng siya lang magisa. Panigurado galing nanaman siyang tugtugan kaya napakadaming dala. The usual.

Kami ay tumayo na sa upuan at nagyakapan. "Oh sige na, kita nalang tayo mamaya?" Tanong ko at ngumiti habang kumakalas sa yakap.

"Y-yup sige."

MUNDO - (Blaster Silonga AU)Where stories live. Discover now