V - Huwag Naman Sana

88 5 0
                                    

Hershey

Napansin ko nalang ang sarili ko na tumingin sa orasan, 4:30pm na pala. Saktong 30 na minuto nalang at uwian na. Kami ay nandito sa buklatan ng aming paaralan at nagaaral para sa pagsusulit na magaganap sa mga susunod na araw. Dapat ito lang talaga ang nasa isip ko, pero simula ng nagkagulo gulo utak ko, hindi ko narin alam at nalilito na ako.

"Hersh, mag ayos ka naman. Hindi kaba aware na haggard na fes natin?" Tanong ni Hannah habang nagaapply ng face powder.

          "Hannah alam mo namang bawal yan dito." Siring ni Shanne. Natawa nalang kaming dalawa ni Faye sa kanila at umiling.

          "What?" Tanong ni Hannah at siniringan din si Shanne. "Ako nanaman may mali?"

          Ayan si Hannah. Ang Regina George sa aming magkakaibigan, minsan nga di ko din maintindihan kung bakit namin siya naging kaibigan pero mabait yan, bossy at controlling lang. Sikat na sikat siya kasi isa siya sa magaganda at matalino na nagtatake ng tourism dito sa paaralan namin. Ang ganda niya kaya madaming humahanga sakanya. Nagkataon lang na naging magkakaibigan kami kasi dati siyang Med student kaso lumipat nga lang siya.

         "Hannah, hayaan mo na nga si Hershey. Simple lang siyang babae at komportable siya na walang kolorete sa mukha." Mahinang sinabi ni Faye at humingi ng sorry sakin. Inayos niya ang kanyang salamin at binalik ang kanyang focus sa pagbabasa ng libro na kanyang hawak.

          At ang ate ng barkada, si Faye. Graduating na yan na psychology ang tinatake. Siya yung taga - pagtanggol talaga namin pagdating kay Hannah. Matalino at seryosong tao. Pero maaasahan din yan. Hindi naman sa ibig sabihin na kontrabida saamin si Hannah, pero hindi mo lang talaga aakalain na magiging parte siya ng grupo namin o barkada.

Maganda naman talaga si Hannah. Kasabayan namin siya ni Shanne. Tatlo kami na nursing talaga kinukuha ako, si Shanne at siya, kaso panay shift ng course si Hannah kaya tourism na ang kinukuha niya ngayon. Maganda, matangkad, maputi, payat tapos blonde ang tina ng buhok. Yung tipikal na college girl crush ng mga lalaki. Ayun si Hannah.

Sumiring si Hannah at tumawa ng konti. "Hay nako mga girls, bat ba tayo nandito?" Kamot siya ng ulo at ibinaba ang makeup kit na hawak niya. "Matatalino na kayo sus, mapapasa niyo naman yang mga yan. Di na natin kailangan pumunta pa dito."

"Hannah, nursing kami. Graduating pa 'tong si Faye. Eto naman si Hershey may duty pa sa ospital sa biyernes." Inexplain ni Shanne na nakaupo sa tabi ko. At ayan naman si Shanne. Ang laging kaaway, tigabara, at kasagutan ni Hannah. "Hindi kami walwal gaya mo."

Trust me, hehe, hindi naman talaga kami laging against kay Hannah. Pero childish din kasi siya at maarte. Pero mahal namin yan kahit minsan sarap ng sabunutan.

"Bahala kayo." Sumiring ulit si Hannah at tumayo sa kanyang ikinauupuan, dala ang kanyang leather na side bag. "Hersh, samahan mo ako."

Napatingin ako sakanya at tumayo nadin kahit di ko alam kung saan. "Kailangan ako lang?" Asar ko sakanya at nagsi - tawanan sila Faye at Shanne. "Porket alam mo lang di mo masama sama si Shanne kasi di mo kaya pagkasarcastic niya. Well, parehas naman kayo e."

Natawa si Hannah at tinignan ng palarong masama si Shanne. "Insecure kasi yan. Mas maganda kasi ako."

"Ang chaka mo, girl." Siring na pabiro ni Shanne.

"Ang kulit niyo." Iling ko sa sarili ko at nagpaalam na sakanila ng hilain ko na si Hannah palayo sa table na inupuan namin sa loob ng aklatan.

"Ang dami kong tanong sayo, Hershey nako!" Bulong ni Hannah ng marating na namin ang pintuan palabas ng library.

Sinalubong kami ng nakasanayan ng malamig na hallway ng unibersidad at napaka busy na daan dahil nadin sa mga studyante na naglalakad pari-parito. Aming nadaanan ang mga lockers habang bumabati si Hannah ng mga ibang tao na kakilala niya. Sikat talaga yan.

MUNDO - (Blaster Silonga AU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon