Linya #2

149 5 1
                                    

"Kung ano ang nakahain, yun ang kainin! Yung ibang bata nga 'dyan walang makain tapos kayo pili kayo ng pili! Hindi tayo mayaman"

Mapa-almusal, tanghalian o hapunan maririnig mo yung mga ganitong salita ng nanay mo. Lalo kapag nagkamali ka ng tanong tapos si nanay nasabayan pa ng badtrip ng araw na yun!

Minsan pa nga kahit wala ka namang nirereklamo. Yung nabigla ka lang kasi akala mo adobo ang ulam ayun pala ay pritong galunggong! Tapos sa pagkabigla mo masasabi mo na, "ay isda pala.."

Asahan mo na, maririnig ka kaagad ng nanay mo at armalite nanaman ang bibig niyan!

Kung mamalasin ka pa, habang nakain ka ay may background music ka – bunganga niya.

Hindi mo tuloy malaman kung paano lulunukin yung kinakain mo dahil panay ang bunganga niya habang nakain ka. At 'pag hindi mo naman naubos ang pagkain mo, naku! Lalo mo lang nilalagay sa panganib ang buhay mo!

Mga Linya ni Mudra (On-Going)Where stories live. Discover now