Linya #6

167 6 0
                                    

Version 1
"Kalat kayo ng kalat! Ano kala niyo may katulong kayo!?"

Version 2
"Ginagawa mo akong katulong! Wala naman akong sweldo!"

Kapag pagod na si nanay, please lang huwag niyo nang sasabayan. Kung hindi, ito yung linyang ibabato niya sa 'yo. Mamili ka dahil may dalawa bersyon yan. Ang sabihan ka na wala kayong katulong o maramdaman niya na siya ang katulong sa bahay ninyo.

Sabi nga nila, ang pagiging ina ang pinakamahirap pero pinakamasarap na trabaho sa mundo. Totoo naman yun. Kaya lang tao lang din ang mga nanay natin at nakakaramdam din sila ng pagod.

Wait lang, hindi naman siguro sa nagrereklamo ang mga nanay natin. Believe me, masayang masaya sila sa ginagawa nila. Kaya lang, meron talagang mga pagkakataon na napapagod sila sa paulit ulit nilang ginagawa. At alam niyo ba kung ano ang mas nakakapagod? Yung nakikita nilang sila lang ang nakilos sa bahay.

Kaya naman, kung nasa tamang edad naman na tayo para makatulong sa kanila, huwag na nating hintayin na magbunganga sila. Remember, may pinaghuhugutan din sila. At hindi sila basta-basta nagbubunganga ng walang dahilan.

Imagine, simula ng pinagbuntis nila tayo hanggang sa lumabas tayo sa kanilang sinapupunan, wala silang ginawa kundi ang palakihin tayo ng tama at panatilihing maayos ang ating  bahay. Kaya naman, ikaw mismo ang magbigay ng sweldo sa kanila. Teka, hindi pera ang usapan dito ah?

Anong sweldo ba ang maibibigay natin?

Yung suklian lahat ng pagod at pagmamahal nila. Yung paminsan minsan i-treat natin sila sa labas. Kung walang budget, mag movie marathon kayo sa bahay. O di kaya ang pinakaaasam asam nila. Yung magpahinga sila sa gawaing bahay kahit isang araw lang.

Hindi naman mahirap pasayahin si nanay. Dahil ang totoo, makita lang nilang maayos tayo  habang nalaki, labis-labis na sweldo na yun para sa kanila.

Tandaan, hindi siya katulong. Isa siyang dakilang ina.

Mga Linya ni Mudra (On-Going)Kde žijí příběhy. Začni objevovat