Linya #5

154 7 1
                                    

"Kung ahas lang yan, kanina ka pa natuklaw!"

Sa tuwing may pinapahanap si nanay o may hinahanap ka na hindi mo makita, yan ang maririnig mo sa kaniya. Relate ka 'ba?

Kasi nga naman, ang sabi ni nanay "mata ang pinanghahanap hindi bibig". Pero nasanay kasi tayo na tanungin muna siya sa tuwing may hinahanap tayo di'ba?

Ganyan kasi ang mga ina. Kabisado bawat sulok ng bahay. Pati pagkatupi ng mga damit at kung paano ito inayos kabisado niya yan. Kaya huwag na huwag kang magkakamaling guluhin yan.

At higit sa lahat, bago mo ibuka ang bibig, siguraduhin mong ginamit ang mga mata sa paghahanap. Huwag hintayin na maging ahas nga yan na tutuklawin ka muna bago mo mamalayang nasa harapan mo lang pala. Hindi ba?

Mga Linya ni Mudra (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon