Linya #4

188 5 0
                                    

"Papunta ka pa lang, pabalik na'ko"

Aminin niyo, ito yung sikat na sikat na linya ng mga nanay natin sa tuwing mag-uumpisa na ang history class niyong dalawa!

Lalo na sa tuwing may ginawa tayong kalokohan sa paaralan o sa buhay tapos magsisinungaling tayo para pagtakpan yun. Yan ang ibabato niya sa'tin. Ibig sabihin, bago pa man nating balaking magsinungaling, alam na nila yung ginawa natin. Bakit? Malamang sa kanila tayo galing. Marahil nagawa na rin nila noon ang mga pagkakamaling ginawa natin.

Isa pa, madalas sabihin ito ng nanay  natin sa tuwing napapabarkada tayo o kaya inlababo at ayaw papigil sa mga magulang.

Tama ba?

Minsan nakakainis pakinggan dahil pakiramdam natin pinapangunahan nila ang mga desisyon natin sa buhay. Ang dahilan pa nga natin, iba noon sa ngayon. Pero ano pa man ang rason kung bakit nasabi sa iyo yan ng nanay mo, isa lang ang sigurado.

Ayaw nilang maranasan mo ang minsang pagkakamali nila.

Kaya ikaw, intindihin mo ang history class niyong dalawa. Kung ayaw mo na papunta ka pa lang, si nanay pabalik balik na sa kakatalak!

Mga Linya ni Mudra (On-Going)Where stories live. Discover now