Linya #7

87 3 1
                                    

Version #1

"Tago muna natin ang pera mo anak, para hindi mo magastos"

Version #2

"Pahiram muna ng pera mo anak, balik ko sayo ng doble"

Alam niyo ba, mga nanay talaga natin ang unang scammer sa mundo. Hahahah! Joke lang!

Naka-relate ka 'no?

Ganito yung mga linyang maririnig natin sa mga nanay natin kapag nakita niyang inabutan tayo ng pera nila tito, tita, ninong o ninang. Dalawang bersyon pa 'yan, itatago niya o hihiramin tapos ibabalik daw niya ng doble. Ulitin ko lang, "daw".

Sa totoo lang, siguro lahat yata ng anak nabiktima na ng mga nanay natin sa ganitong paraan. Hindi naman siguro masama ang instensyon ni nanay sa tuwing ginagawa niya 'to. Sigurado ako maganda ang intensyon niya.

May mga pagkakataon siguro na hindi natin naiintindihan kung bakit hinihiram o tinatago ni nanay ang perang bigay sa atin. Pero wala namang inang naghahangad ng masama para sa anak. Sabi nga nila, "money is the root of all evil", kaya imbes na ipahawak ito sa'yo ay itinatago nalang o hinihiram para mailaan sa mas magandang bagay.

Tandaan, dapat may guidance tayo ni nanay sa paghawak ng pera. Hindi niyo naitatanong, magaling na "Financial Advisor" ang mga nanay natin. Kahit piso na nakupit mo alam na alam niya yan!

Bilang mga anak naman, malaki ang tiwala natin sa ating mga ina. Kaya naman, kahit ilang beses pa nilang sabihin sa atin 'yan, pinaniniwalaan pa rin natin. In short, nai-scam pa rin tayo ni nanay.


Naalala niyo pa ba ang award winning na linya niya sa tuwing hihingin niyo na ang perang tinago o hiniram niya?


Natawa ka 'no? Dahil iisa lang ang sasabihin niyan, sigurado ako diyan.

Je hebt het einde van de gepubliceerde delen bereikt.

⏰ Laatst bijgewerkt: Jul 24, 2020 ⏰

Voeg dit verhaal toe aan je bibliotheek om op de hoogte gebracht te worden van nieuwe delen!

Mga Linya ni Mudra (On-Going)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu