chapter 5 - dating

1K 51 25
                                    


Note; SI RAFAEL PO YAN

-

Rain's POV

"Who's excited mag-g-Grade 1? Hmm?" Tanong ko at nagsintaasan naman sila ng kamay. I laughed at them. Ofcourse they will all go in Grade 1. They deserve to move up in Grade 1 since napakabuti nilang bata kahit Kindergarten palang sila.

"Sir Rain! I want you to be our teacher parin" sabi ni Anne at sumangayon naman ang mga kaklase nya.

"Well speaking of, kinausap ako ni miss principal. Hindi na ako magtuturo!" Sabi ko at bigla nalang ngumawa si Bea kaya agad akong nagsalita, "- ng Kindergarten dahil magiging Grade 1 teacher na ako! YAY OR NAY!?" naghiyawan naman ulit yung mga estudyante dahil dun.

"Magiging teacher ulit natin si Sir Rain!"

"Gusto ko rin maging teacher si Sir Yvan!"

"Me too! Si Sir Rain at si Sir Yvan"

"Saan magtuturo si sir Yvan, sir Rain?" Tanong ni Lesley.

"Gagawa ng two sections each grade level yung school kaya kami ni Sir Yvan nyo ay magiging teacher in Grade 1" sabi ko sakanila at mas lalo silang naging masaya.

Pansin ko nga mas gusto nilang maging teacher ang mga lalaking guro kesa sa mga babaeng guro. Why is that tho?

"Now, since tomorrow is the recognition day, I'll be calling all those students na magkakaruon ng award. Syempre lahat kayo may award" sabi ko.

"Even Kurt?" Tanong ni Kristie habang nakangiti pa at tumingin sa katabi nyang si Kurt— na simula palang ng klase ay tulog na.

"He's always absent, bakit naman sya magkakaruon ng award?" Tanong ni James.

Napasimangot naman si Kristie at tumingin sakin.

"May crush kasi si Kristie kay Kurt! Yiiiieee" tili ng mga estudyante ko kaya napairap ako.

"No kaya! What are you talking about?!"

"Hmp! I saw you teaching him some of the assignments" sabi ni Anne kaya namula ng husto si Kristie.

Agad akong nagsalita, "Kids, it's because nagmamagandang loob lang si Kristie because she's a good girl. Since Kurt don't know any of our lessons, tinutulungan nya ito para magkaruon ng knowledge" sabi ko sakanila kaya tumahimik naman sila.

Naku, kebata-bata kras kras na. Parang noon lang kras ko pa si Ken eh. Yung manikang Ken.

"Sir! Can you please read all of the honors? Pleaaase i wanna know" excited na sabi ni Freya habang nakadikit pa ang dalawang kamay.

"Okay okay, now let's read the 10 honorable students...."

-

"Matalinong bata talaga si Kristie. Biruin mo nay, nakatop 1 sa klase" sabi ko dito kaya tumawa naman sya.

"Aba syempre naman iho, ikaw ang teacher eh" sagot naman nito sakin.

"Manang-mana sa dugo nyo" sabi ko at napangiti.

Inalalayan ko si Nanay papasok ng kotse nila at nagpaalam naman ako kay Kristie na nakaupo na sa loob.

"Bibisita ako sa bahay nyo ah. Sabihan mo Lola mo na maghanda ng masarap na pagkain para sakin!!" Tumawa lang ako at tumango sakanya.

"Sige po, maaasahan nyo po ako" sabi ko sakanya at sinara ang pinto ng kotse.

Pumunta naman ako sa kotse ko at nakita si Yvan na nakaupo sa mukha ng kotse ko. Pinatunog ko ito kaya napatalon sya paalis dahil sa gulat. Muntik ko na syang tawanan dahil doon.

[✔] BOOK II : The Love CollidesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon