chapter 28 - nightmare

669 45 55
                                    


(Since walang POV si Thunder bibi sa last chap, bibigyan ko sya para matuloy yung moment yiiieee anu kaya plano ni kulog)

Thunder's POV

"Higa" utos ko habang nakapatong ang ulo ko sa braso ko. Pumikit ulit ako pero hindi parin nya sinunod ang sinabi ko sakanya.

"You mentioned something na magkatabi kayo ni Ceijan matulog... Am I right?"

"O-oo... Pero ibang tao ka!"

"Baka nakalimutan mong magkatabi tayong natulog noon sa isang resort" sabi ko.

"Huh?"

"Nakalimutan mo nga pala yun... Right~" malamang Thunder pati yun nakalimutan yan,  "Just think of me as Rafael nalang... You don't have to be afraid... It's not like rereypin kita or somethin"

"Shattap!  Atsaka bakit mo nga pala ako pinapahiga dito?" Tanong nya.

"No reason. Tabihan mo lang ako" sabi ko at tumagilid para tumalikod sakanya. Now that Snow's here, hindi na yun babalik sakin.

Maya-maya'y narinig ko na syang humilik kaya napatawa ako ng mahina at humarap sakanya. Binalot ko ang kumot sa katawan nya at tinitigan ang mukha nyang tulog na tulog.

I closed my eyes again and let myself sleep.

"Thunder please!! I'm begging you"

"T-Teka!"

"THUNDER PLEASE TULUNGAN MO KO! AKO TO!"

"STOP THIS!"

"THUNDER!!"

Humikbi na ako ng tuluyan at napamulat. I thought this will going to be different. Hindi ko akalaing babalik ulit sya sa panaginip ko.

"Th-Thunder? U-Uy bakit ka umiiyak?" Bumangon si Snow sa tabi ko para pakalmahin ako. Pinunasan nya ang mga mata ko at bumulong ng pampakalmang salita.

"N-Natatakot ako"

I'm serious. I'm more a scaredy cat than I already am. Takot ako sa mga multo pero mas takot ako sa mga bangungot. I still can't believe na makikita ko sya sa panaginip ko.

He's alive but how come he looked like dead to me?

"Thunder, magsalita ka nga! Nag-aalala ako eh"

Mabilis parin ang tibok ng puso ko dahil sa nakikita ko sa panaginip. It's like he's telling me to dig his grave. Bakit ko naman gagawin yun kung buhay pa sya diba?

"Snow, I'm scared" tumulo ulit ang luha ko dahil sa takot. Hindi ko narin namalayan na nakayapak na si Snow sakin.

"Anong nangyayari? Tell me" sabi nya at hinagod ang likod ko. I can't speak a word. Hindi ko nakita ang mukha nya pero alam ko ang boses nya.

"Hanapin mo ko Thunder"

"I'm not who you think I am"

"Help me! Patahimikin mo ko"

"THUNDER!"

I flinched at the memory of my nightmare. He's begging. He's crying. He's asking for my help.

If buhay pa sya, bakit sya nagpaparamdam sa panaginip ko?

"Okay just calm down. Wag ka nang umiyak. Nandito lang ako" bulong ni Snow habang nakayakap parin sakin kahit nakahiga na kami. Binaon nya ang mukha ko sa leeg nya at hinimas ang buhok ko. Now I felt eased. With her arms around me, I felt safe.

Pero natatakot parin ako. Bakit ako pa?

Bakit ako pa Ceijan?

Rafael's POV

Nakatulog nanaman ulit ako sa sofa. Nakakatamad naman kami pumunta ng kwarto eh kaya dito nalang ako natulog. Bumangon ako at pumunta ng kusina para maghanda ng makakain nila. Inaantok parin ako pero gising naman ang katawan ko.

Lumabas ng kwarto si Sir Thunder habang nakayuko. Inihain ko naman ang niluto ko at hinintay syang umupo para kumain.

"Uhh Sir? Okay lang po kayo?" Tanong ko at sinilip ang itsura nya. Pula ang mga mata nya at parang kagagaling lang sa iyak. Iyak? Bakit naman sya iiyak?

"I'm okay" paos nyang sagot at nagsimulang kumain. Kahit kumakain na sya, tulala parin yung mga mata nya. Umupo naman ako sa isa pang upuan at tiningnan syang lutang.

"Maaari ko po bang malaman ang problema sir Thunder?" Tanong ko habang nakapatong ang kamay ko sa mesa.

"Can you describe Ceijan? Anong trato nya sayo pag magkasama kayo?" Tanong nya kaya napataas ang kilay ko. Si Ceijan ba? Sus, ang dali lang ilarawan yung tukmol na yun.

"Si Ceijan... Masungit, walang ekspresyon palagi, protective kay Snow, palaging nakasimangot, snob at galit na galit saakin" sabi ko habang literal na nasa utak ko ang pagmumukha ni Ceijan.

"He's alive right?"

"O-oo naman" ang weird. Bakit naman nya yun natanong? Malamang buhay pa yung gagong yun no. Matagal mamatay ang mga masasamang damo.

"Kumakain ba sya ng maaanghang?"

"Medyo?"

"Is he into gadgets?"

"Hmm.. Nagd-dyaryo lang sya pag umaga at minsan nagcecellphone pero palaging tambay sa computer shop yun" sagot ko.

"Music? Headphones and such?"

"Hindi eh. Minsan pinapatahimik nya kami dahil palagi kaming kumakanta pag tumatambay"

"M-May tahi ba sya sa tiyan? I mean, linya?"

"Linya?" Sa pagkakaalam ko, palaging naghuhubad ng damit si Ceijan pero malinis naman katawan nya, "Nope. Wala"

"What?!"

"Bakit?"

"Ceijan's been homeschooled since elementary dahil sa kidney nya. May tahi sya sa may bandang kaliwang tiyan dahil nagpatransplant yun noon. Are you sure wala talaga?" Tanong nya kaya napalunok ako sa kaba. Seryoso nga talaga sya ngayon.

"W-Wala po talaga"

"Then... Sino yung Ceijan na yun?"

-

MAY KWENTO AKO

Honestly speaking po... Napaniginipan ko si Suga kanina. Ang creepy kaya agad akong naggising. I can't remember some scenes pero alam kong nandun btsvelvet. It's like point of view ko yun pero feeling ko nasa katawan ako ni seulgi parang ganun. I think konektado sa story dahil isip ako ng isip sa isusunod na plot ko dito before ako natulog nun eh. So it's like patay na si Suga sa panaginip ko then nabuhay sya ulit (i can see kabaong, cameras and school) so when i heard about na buhay si suga (sa kabaong talaga mismo naggising) + it's like parang may nagnanarrate rin... So masaya ako dahil buhay sya so nag-iba nanaman ang settings dahil sinundo ko daw si suga sa purinarya papuntang school para ipakita kina Jimin, Irene, V and etc tapos nung pumasok na ako sa classroom namin...excited pa ako dahil i-a-announce ko na buhay si suga. Then pagpasok ni suga, nagulat sila pero nagtaka ako dahil bakit ang saya-saya ko (lol may nabuhay na patay tapos parang normal lang sakin) so nung nakita nila si suga, bigla nalang nasunog yung classroom tapos mukha ni suga nakita ko (sa fake love na mv yung fire scene) then tumingin si suga sakin and....

Naggising ako.

Hindi na ako nakatulog pagkagising ko lol. It's so creepy lang pero totoo talaga yung sinabi ko. Di ko maexplain ng maayos dahil magulo rin yung panaginip ko.

Kaya may naisip akong plot eh hahahahaha jusko sana hindi na yun babalik pa sakin.

[✔] BOOK II : The Love CollidesWhere stories live. Discover now