chapter 33 - escape

745 51 84
                                    

Sunny's POV

"lapit naman ng kunti jan" sabi ng cameraman habang sinenyasan kami na lumapit pa lalo.

"wag ka na mahiya balm" pangaasar nya kaya sinungitan ko sya.

"as if.." pero hindi ko rin naman maitangging kinikilig ako sa photoshoot namin ngayon.

Nabalitaan kong ako ang pinili ni rain na makasama sakanyang first modeling debut sa Gucci kaya syempre hindi pa ako ready kaya medyo anxious muna ako ngayon. Ito namang si Rain, tudo ang confidence. I still can't believe na kasama ko sya sa modeling.

"a little closer Sunny... and~ BAM! I like that" namula naman ako nang nilapit nalang bigla ni Rain ang mukha nya sa pisngi ko habang nakatingin naman ako sa camera with a fierce expression. Piste yoko na.

"last!" huminga ako ng malalim at umalis muna para magpalit ng damit for the next photoshoot.

Bumalik ako sa loob at nadatnan si Rain na nakaready na rin. Pinigilan ko naman ang ngiti ko nang makita ko ang suot nya. The concept is sporty and the Gucci band that he wrapped around his forehead looked so cool. He's so handsome.

"come on Sunny. This will be the last shot for the two of you" sabi ng cameraman habang kumindat pa sakin. I sensed something about his wink. Did he planned about something? "Rain, sit on that chair... Position yourself sideways and then face here. Ikaw naman Sunny, sit on his lap"

"WHAT?!?" napasigaw ako sa gulat. Ofcourse I've experienced that pose pero with Rain?!? I think I'm not ready yet.

"any problem?" napatingin naman ako kay Rain habang nagkunwaring sinusuri yung shuttlecock na hawak nya.

"there's nothing wrong with it balm.. Promise, walang tatayo~" puna nya habang nakangisi pa. Binato ko naman sakanya ang volley ball.

"now let's proceed with this Sunny" nakangiting sabi ng cameraman kaya wala na akong choice pa kundi sumunod. Kung awkward sa ibang tao, mas awkward pagdating kay Rain...lalo na sa huling sinabi nya. Fck him and his face.

Pinatong ko ang tuhod ko sa gilid ng lap nya at hinawakan sya sa balikat. Nakangiti parin sya kaya tumingin nalang ako sa camera habang unti-unting umupo sa kandungan nya. Namula ako nang hawakan nya ako sa bewang kaya hinila ko ang buhok nya mula sa likod.

"this time, ikaw naman ang titingin sa camera Rain habang si Sunny naman, nakatingin sayo na parang gusto nyang kunin ang atensyon mo.... or in other words, seduce him with your stare Sunny" napahinga ako ng malalim at tumango.

Humawak ako sa sandalan ng upuan habang nakahawak naman ang isang kamay ko sa baba nya. I stared at his lips causing me to lick my own lips. Not long enough para sumigaw ang cameraman kaya agad akong tumayo palayo sakanya. Nagbow ako sa cameraman pati na sa iba pang staffs and then thanked them. Pumasok naman ako ng dressing room at dali-daling nagbihis.

Rain's POV

"and just like that" sabi ko at nginitian sya habang papunta kami sa labas ng building.

"ginusto mo naman" sagot nya kaya nagkunwari akong nasasaktan.

"so ako lang pala ang may gusto?" sinapak nya ako sa braso pero tinawanan ko lang sya.

Nang makarating kami sa parking lot ay hinarap ko sya at nilapit sya papunta sakin. Hinawakan ko ang kamay nya at hinalikan ito.

"soon, malalagyan ko na ito ng panibagong singsing" sabi ko habang nakatingin sa makinis nyang mga daliri, "beshie, ano handwash mo?" binawi naman nya ang kamay nya.

"ewan ko sayo" nakangiti nyang sabi at pumunta sa sasakyan nya. Sumandal naman ako sa hood ng kotse ko habang tiningnan syang pumasok sa sarili nyang sasakyan. Nang pinaandar na nya ang sasakyan nya ay tiningnan nya ako mula sa nakabukas nyang bintana, "You know my answer when you will going to ask me right?" ngiti nya kaya namula naman ako at napayuko.

[✔] BOOK II : The Love CollidesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon