chapter 26 - fixed

901 53 38
                                    


MM: Preti Melody

Rain's POV

Ilang araw na ang lumipas at mas lalo kaming naging close ni Sunny. This time, it's different. Ako naman yung naghahabol.

I tried my best to perform the greatest posing sa modeling para kahit papano, mapalapit pa ako kay Sunny. Malapit nang matapos ang isang buwan and here I am praying na sana makuha ako sa Model of the Year chuchuness eklavush na kaechosan ng Gucci company para patuloy akong magmomodel sa company na yun.

I don't care about my fame, gusto ko sina Sunny at Cloud. Sila ang reason kung bakit ako sumali in the first place.

"RAAAAAIN!" Umalingawngaw naman ang boses ni Ronic sa loob ng gym nang makita nya akong pumasok sa loob. Pumunta ako dito para tingnan yung gawi ni Cloud since free time ko ngayon and since nasa period na sya ni Ronic which is ang PE time. Lumapit sya sakin dala ang cellphone nya.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko sakanya.

"Tulungan mo ko!" Sabi nya at may pinindot sa phone nya. Agad nya itong binigay sakin, "Nagneargroup ako tapos unti-unting luminaw yung blurr na photo. Akala ko poser pero sya talaga yun! Rain OMG Rain! Isang William Trinez ang kachat ko like OMG talaga, anong gagawin ko!?" Tanong nya. Muntik na syang maiyak dahil dun kaya pinakalma ko naman sya.

"Wow naging babae ka na ah" komento ko kaya agad nya akong sinapak. Napa-aray ako ng malakas.

"Gaga ka ba! Hindi na yun importante! Ang problema ko ngayon, alam ng mga fans nya!" Sigaw nya.

"Pano naman nila nalaman?"

"Kasi stinalk ako ng gago, nakita nila yung like nya sa profile ko— RAIN ITO NA BA KATAPUSAN KO!?" sigaw nya ulit kaya sinapak ko rin sya pabalik.

"Ang OA mo! Artista lang yan atsaka don't worry, wala namang masama kung malalaman nila. Ang swerte mo nga eh at ang pangit mo rin sa profile pic mo kaya imposibleng magsesel—"

"Huy for your info, maganda ako dun" sabi nya at sumimangot.

Oo inaamin kong maganda si Ronic pero ang nakakainis lang, mas lalaki pa kesa sakin kaya nakakaturn off. Hanggang ngayon kasi ayoko parin sa mga tomboy.

Biglang umalingawngaw ulit sa paligid ang mga boses ng mga babae nang pumasok sila sa Gym. Ang hilig silang sumigaw hano.

Pero teka— anong ginagawa nila dito?

"OMG RAIN!" sigaw ng mga babaeng teachers habang papalapit sila samin. Tinaasan ko naman sila ng kilay.

"Bakit?"

"OMG TALAGA! APAT NA SIKAT NA MGA TAO ANG HINAHANAP KA! DALAWANG POGI AT DALAWANG MAGAGANDA! May isang maganda pero hindi ko kilala eh PERO NEVERMIND! HINAHANAP KA NGA NILA! Sabing isama mo daw si Cloud" napatakip naman ako ng tenga dahil sa sigaw ng isang teacher. Kunot-noo ko syang tiningnan.

"Sikat?"

"Oo! Sila mismong apat, hinahanap ka" sabi nito kaya napatingin ako kay Ronic.

"Pakisabing busy ako at bahala sila sa mga buhay nila!" Sabi ko at umirap. When in comes to sikat, Thunder agad yung nasa isip ko. Baka naman makikigulo pa dito. Nagdala pa ng kasama.

"RAIN!" Speaking of the devil.

"Kyaaaaah! Si Thunder!"

"OMG ANG POGI NYA!"

"SI WILLIAM DIN!"

"Wait si William?" Nagkatinginan kami ni Ronic dahil dun.

"MOMMY!!"

[✔] BOOK II : The Love CollidesKde žijí příběhy. Začni objevovat