chapter 16 - switch

870 53 27
                                    

MM: Thunder Rios

Rafael's POV

Hindi ko naman talaga ginustong masali sa plano ni Sir Thunder eh pero wala narin akong maggagawa pa. Iisipin ko nalang na parte ito ng trabaho ko at may sweldo ako pagkatapos.

Bumalik ang atensyon ko kay Sir Thunder na halos ipasok na ang buong katawan sa loob ng cabinet nya para kunin ang isang damit na hinahanap nya. Napatingin ulit ako sa buong kwarto. Wala sa probinsya ang ganitong klaseng kwarto kaya medyo nakaka-amaze lang.

"Sir... Pwede ko na po bang malaman ang plano nyo sir?" Pagulit ko nanaman. Desperado na akong malaman ang plano nya eh na may kaugnayan din kay Snow.

Speaking of Snow, patay nanaman ako nito. Tumakas lang naman ako sakanya kanina.

"Wait a minute" puna lamang ni Sir kaya hinayaan ko nalang sya ulit. Hindi ko na mapigilang tumayo at tinapak ang paa ko sa malinis na tiles. Lumapit ako sa isang maliit na mesang katabi ng kama nya. Umupo ako sa malambot na kama at nilapit ang mukha ko sa isang picture frame na nakalapag sa mesa. Nang makilala ko ang babae sa litrato ay agad akong lumayo.

"Si Snow ba to?" Tanong ko habang nakaturo sa picture na tiningnan ko. Sumilip naman si Sir Thunder para tingnan ako.

"Hmm" tango nya at bumalik sa gawi nya, "First selfie namin together after nya akong sinago— Anyway... Since nakita mo naman yan, I'll tell you the truth this time. Naging girlfriend ko si Snow nung highschool ako but unfortunately, nagkahiwalay nung graduation and the accident happened"

Kinuha ko ang litrato sa mesa at tinitigan ang selfie nilang dalawa ni Snow. Sa totoo lang, nagulat talaga ako. Nagulat ako sa katotohanang naging jowa ng isang Thunder Rios ang matagal ko nang naging kaibigan na si Snow.

Pero at the same time, nalilito ako.

Si Ceijan... Ano nga ba si Ceijan sa buhay ni Snow?

Yun talaga ang gusto kong malaman simula nung nakilala ko silang dalawa ni Ceijan eh.

*

"Sino yan?" Bulong ko kay Vince habang hawak ko ang nilibre nyang coke sakin. Tiningnan naman nya ang taong tinuro ko at bumalik ang tingin sakin.

"Siya yung sinabi kong bagong lipat" bulong na pabalik sakin.

"Ibig sabihin, siya yung nakita mong duguan? Yung naaksidente?" Gulat kong tanong sakanya. Tumango naman sya.

"Pero may kasama syang babae na hanggang ngayon, nasa hospital pa"

Bigla itong tumingin sa direksyon ko kaya nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Agad akong tumingin sa lupa kunware.

"Papalapit sya" bulong ni Vince at umatras para bumalik sa tindahan. Chismis pa kasi eh, ano ba pakay ng lalaking yun?

"Excuse me" agad kaming lumingon sakanya. Tingin nya agad sakin ang nakita ko. Bakit titig na titig sya sakin na parang gusto nya akong patayin? May kasalanan ba ako?

"Uy! Ano kailangan mo pare?" Tanong ni Vince.

"May trabaho ba ditong available pa? Even just a little salary lang, okay na" sabi nya and finally, kay Vince na yung tingin nya. Nakakatakot yung tingin nya talaga sakin eh.

"Oo meron! Tanong mo dito kay Rafael, nagtatrabaho sya sa 7/11 at mukhang available pa naman" sabi ni Vince at siniko ako.

Nasa akin nanaman ang tingin nya at hindi ulit ako huminga. Bakit ako? Katakot ng lalaking to.

"O-oo! Sa 7/11. Ipasok kita" sabi ko at tumango tango.

Masama yung tingin nya sakin at pagkatapos ng ilang minuto, bigla nalang syang tumalikod at umalis, "let me think about it"

[✔] BOOK II : The Love CollidesWhere stories live. Discover now