chapter 9 - enrollment

794 70 7
                                    

Rain's POV

"CONGRATULATIONS BABY!" sigaw ni Yvan kaya napatingin kaming lahat sakanya. Hindi nya kami pinansin at nagpatuloy sa pinaguusapan nila ni Melody sa phone.

"Pasensyahan nyo na po" sabi ko sa isang ina, kasama ang anak nya. Kanina pa to titig ng titig sakin eh, feeling ko matutunaw na ata ako, "Ito po oh"

Tinuro ko sakanya ang mga requirements, tuition fees at iba pang mga gamit sa school. Explain lang ako ng explain hanggang sa matapos na ako then tumingin sakanya.

"Ang pogi mo na" sabi nito kaya awkward akong napangiti.

"Araw-araw na akong nakarinig nyan Maam" sabi ko kahit nagtataka ako sa use of words nya. Na?

"Grabe talaga Rain! Si Seraphina to! Hindi mo ba ako naalala?" Tanong nya habang hawak ang nakakandong na bata sa lap nya.

Tumawa ako ng mahina habang inalala ang pagmumukha nya. Familiar pero hindi ko talaga maalala eh.

"Umaatake talaga minsan ang pagiging ML ko eh!" Sabi ko sakanya.

"Oh? Naglalaro ka rin ng Mobile Legends?"

"Hindi!! Memory Loss kasi yun!" Sabi ko at sabay kaming tumawa.

"Wait, may ipapakita ako sayo!"

Binigay nya ang phone nya sakin pagkatapos ng magtype ng kung ano-ano dito.

"Ayan, Class Picture natin. Ka-batch mo ko noon pero classmate kami ni-"

"OMG! Seraphina!?" Biglang sumingit si Yvan sa usapan namin kaya tumingin kami sakanya.

"Yvaaaaan!" Lumapit ang bata sakin pagkatapos tumayo yung Seraphina para makipagyakapan kay Yvan.

"Cheatmate!" Tili rin ni Yvan kaya napasapo na ako ng noo.

Minsan talaga nagdududa ako kung guro pa ba tong si Yvan. But you can't deny the fact na magaling syang magturo. Pero yung attitude nya ay parang highschool parin eh.

"Mama mo yun?" Tanong ko sa bata kaya tumingin sya sakin.

"Step Mother" sabi nya kaya nilakihan ko sya ng mata.

"So kabit ng Papa mo yun?" Tanong ko sakanya.

"Kinasal sila ni Daddy dahil gusto ng Lola ko. Ayaw nila kay Mommy eh kaya pinalayas sa house" sabi nito at ngumuso.

Nanahimik nalang ako at iniwasan ang magtanong pa. Tumango nalang ako at pinastay muna sya tabi ko habang busy pa sina Yvan at Seraphina sa chikahan nila.

"Uhm.. Good morning?" Bati sakin ng isang babae kaya agad akong tumayo at nginitian sya.

"Goodmorning Maam, maupo muna kayo" sabi ko at tinuro ang upuan sa harapan ko. Umupo naman ang bata sa isa pang upuan kaya napatingin ako dito at nagulat, "Kaano-ano nyo po si Kurt?" Yun agad natanong ko dito.

"Kapatid po" sagot nya, "W-Wala po kasi yung tatay namin sa bahay kaya ako nalang yung naghatid sakanya dito" dagdag nya.

Tumingin ako sa kapatid ni Kurt at mukhang papasok palang ito ng trabaho. Bumalik nalang muna ako sa papel na nasa table ko atsaka agad na hinanap ang report card ni Kurt.

"Ahh, tingnan nyo nalang po dito ang mga requirements and such" sabi ko at binigay sakanya ang isang papel na naglalaman ng mga amounts ng required na gamit at iba pang mga funds. Sumulyap ako kay Kurt na nakatitig ulit sa kawalan.

"Uhm, excuse muna ako baby... Tatawagan ko lang si Mama" sabi ng kapatid nya at tumayo para lumakad paalis.

"Sana naman at magbago ka ngayong taon Kurt" bulong ko at siniguradong maririnig nya. Bumuntong hininga nalang ako at hindi nalang sya pinansin.

[✔] BOOK II : The Love CollidesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon