1

1.7K 48 53
                                    

[inhaled, exhaled]

Eto na naman. Hello school musta man? Doing great making my life miserable?

[sigh]

Pagpasok ko sa classroom sobrang ingay. Akala mo may fiesta, o giyera.

Umupo ako sa chair ko nang biglang may tumabi.

"How was your morning babe?"

[shookt] Sobrang lapit ng mukha niya.

Tinulak ko ng palad ang mukha niya papalayo sa akin.

"Magulo. Kasing gulo ng buhok mo, Silonga!"

"Wow nagsalita ang hindi kulot, Baldostomon!"

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Atleast natural. Sayo sadyang magulo lang."

"Ang gulo mo kasi kausap, kasing gulo ng mukha mo."

"Ano sabi mo ha, Silonga!"

Umakma akong sasabunutan siya, di ko na lang itutuloy baka maubusan pa to ng buhok.

"Mapisnge!"

Sigaw niya sa akin sabay alis.

Lord naman, paminsan minsan paki ayos din ng umaga ko oh.

"Bes! May chika ako. Maloloka ka talaga ultimately."

Isa pa to'.

Tumabi sa akin si Kat na hawak hawak ang phone.

Pinakita niya sa akin ang isang picture ng nakahubad na babae.

"Huy tago mo nga yan."

Sita ko sa kanya at lumingon lingon sa paligid.

"Guess who's this girl bes!"

"Lakompake."

Kahit lakompake, nagkwento parin ang gaga.

"....and yun na nga. Sinent ni girl sa boy niya kasi may trust daw. Ayun pinagkalat ni boy ang nude ni girl."

Hindi ako makapaniwala kasi kaklase namin yung babae. Nasa ibang section naman yung lalake.

Kamusta na kaya siya? Absent siya ngayong araw. Siguro hindi kinaya ang hiya. Bakit kasi nauso yang nude pic na yan.

Picturan niyo na ang ano niyo pero wag niyo na isent sa iba. Papasanin pa kayo sa ekonomiya e.

At balakayojan, ang haharot niyo.

"Sungit mo na naman today bes."

Bulong sa akin ni Kat nung nagsimula na ang first period namin.

Di' ko siya pinansin. Snobber ako.

"Si Blaster na naman ba nambungad sa umaga mo?"

Di' na ako umimik. Ang bantot nung pangalan e.

"Hay naku. Di' ka na nasanay. Halos araw araw iniinis ka niyan eh. Minsan nga napapaisip ako kung may gusto 'yon sayo."

Napanguso siyang kunyare nagiisip ng malalim.

Um-act akong parang nasusuka. Napatawa siya.

"Siya ang pinaka ayaw kong lalaki. At iniinis niya ako parati so malabong mangyari yang sinasabi mo bes."

She tsked.

"Diba nga 'the more you hate the more you love'."

Umasta pa siyang kinikilig.

"Tigilan mo 'ko Katalina Sue Gonzaga Cabello."

Tinignan niya ako na para bang sinasabi na kung maka full name ka naman bes.

"Pwes! Sisirain ko ang kasabihang yan. Ako ang magpapatunay na hindi totoo yang 'the more you chuchu' pwe. Kinikilabutan ako sayo."

"Bitter." Pataray niya.

Binaling ko sa ibang topic ang paguusapan namin ni Kat bago pa tuluyang masira ang araw ko.

[a moments after]

Pumasok ang next teacher namin.

Eto na naman si Ma'am Campante, na hindi ako pinapakampante. Matutulog na naman ang buong klase.

Pero keri lang. Ilang sermon na lang at gagraduate na kami.

"As what I've said. Ngayon ko iaannounce yung members ng groupings sa gagawin niyong Research. As I call, group yourselves. Each group has three members."

Tumingin ako kay Kat at nagwink siya sa akin.

Nagsimula na magtawag ng pangalan si Ma'am.

Kampante ako na magkagrupo kami ni Kat. Sinabihan naman niya siguro ang tatay niya na iinform si Ma'am kung sino ang dapat niyang kagrupo.

At kami dalawa yun.

Supervisor ng University ang tatay ni Kat. Ang swerte no'. Ano kaya ang buhay ng may tatay na supervisor, safe na safe.

"Baldostomon..."

Tumayo ako at pumunta sa isang bakanteng round table.

"Cabello..."

Nagkawit balikan si Kat. Tinabihan niya ako sa table.

"Meant to be talaga tayo bes."

"Oo na lang." Sabi ko.

"Sino kaya pangatlo natin. Wala na akong maisip na matino dito e, puro papasanin na ang natira."

[rolled eyes] Akala mo rin no'.

"Silonga..."

Napalingon ako agad. Akala ko namali ako ng dinig, pero papalapit na ang Silonga.

Pag minamalas ka nga naman.

"Hello girls. Pag sinuswerte ka nga naman."

Sabi niyang nakatingin sa akin nung naupo na siya sa table namin.

Mapahawak ako sa ulo ko at umiling.

Lord naman, triggered niyo po ako. Charot lang.

HELLO THERE. YOUR IN THE FIRST PART OF THE STORY. PREPARE FOR MORE CRINGWORTHIES. SORRY SA LOUSEY WRITING 😅 SALAMAT SA INYO. JUST LOVEEE 💘

UNSPOKEN FEELINGS (IV Of Spades Fanfiction)Where stories live. Discover now