16

478 16 28
                                    

Zild

Zild hinahanap ka na ni Zandra, hindi ka pa ba pupunta dito?

Binasa ko ang text ni Kat.

Nagpunas ako ng luha.

Hindi ko alam kung kaya ko pa siyang tignan sa kalagayan niya.

Ang bilis bilis ng mga nangyayari.

Nagsisi ako. Bakit hindi ko namamamalayang ganun na ang nangyayari sa kanya.

Napaka wala kong kwenta!

Ayokong bumangon. Ang bigat na din ng ulo ko. May luha pa ba akong iiiyak?

Sa haba ng panahon na nakilala ko siya ay dun naman ang ikli lang ng mga bagay ng ginawa ko para sa kanya.

Wala akong binigay sa kanya kundi sakit at galit.

Alam kong kahit naguusap na kami ay may galit parin siya sa akin.

Nasa huli parin ang pagsisi. Ngayon ko lang narealize ang halaga niya.

Napaka halaga mo Zandra.

Kung pinili lang sana kita, kung hindi lang sana ako nagloko.

Sana masaya tayo ngayon at napapangiti kita.

Pero huli na ang lahat.

"Tangina naman... Bakit ba nangyari 'to!"

Gusto ko isigaw ang pangalan niya. Pero maririnig ba niya? May magbabago ba? Mapapagaling ba siya?

"Ang gago mo kasi Zild."

Gusto ko barilin ang sarili ko. Ganti ng nagawa ko sa kanya.

Pero hindi pwede. Kailangan ko pa siya makita at makausap.

Hindi pa ako nakakahingi ng tawad.

At hinahanap na niya ako.

Bigla akong bumalik sa katinuan at tumayo ako agad.

Dali dali akong nag-ayos.

Napatingin ako sa isusuot kong tuxedo. Ngayong araw ang prom. Mamayang gabi na.

Wala akong pake sa prom. Wala akong planong pumunta kahit na sinabi ko kay Shanne na susulput ako.

I'm so sorry Shanne. Hindi ka naman mawawalan. Prom lang naman 'to. Pero si Zandra baka hindi ko na makita.

Kinuha ko ang susi ng sasakyan at dali daling bumaba.

"Nak kumain ka na ba?"

"Hindi ako nagugutom."

"Zildjian ilang araw ka ng walang kain."

Dineretso ko ang garahe at nagmaneho.

Bakit ngayon pa traffic kung kelan nagmamadali.

Pakiramdam ko hindi ko siya maaabutan. Napaparanoid na ako.

Pinalo palo ko ang busina.

"Tangina na naman oh."

Pagkaalis ko sa traffic ay binilisan ko ang pagmaneho papunta sa hospital.

Eto na. Papasok na ako sa room.

Nilakasan ko ang loob ko. Kailangan prepared ako.

Huminga ako ng malalim saka pumasok sa room.

I gulped.

Tahimik ang lahat.

Si Blaster. Si Kat. Si Badjao at Aimee. Si Unique. Si Zorren at Kamille. Pati ang parents ni Zandra.

Nilapitan ako ni Kat. "Lapitan mo na. Hinahanap ka niya." Pulang pula na ang mata ni Kat. Tumango ako.

Umupo ako sa gilid ng kama. Nanlulumo ako sa itsura niya.

Dahan dahan siyang dumilat. Pinilit niyang ngumiti. Hinawakan ko ang kamay niya.

"Zi..Zild.." Pabulong niyang sabi.

Biglang ang hina na niya. Ang sakit sakit makita siyang ganito ang kalagayan.

"Pupunta ka.. ka ..ba ba sa.. p,prom?"

Tumawa ako.

"Dito lang ako sa tabi mo." Nag cracked ang boses ko.

Gago wag kang bibigay. Hindi ka dapat umiyak dahil hindi siya dapat maiyak. She's so soft after all.

Tumango siya. Hirap na hirap na siya.

Zandra bakit ganun? Ang lakas mo pa. Tumatawa ka pa. Nagsusungit ka pa. Nanood ka pa sa auditioning ng club namin, at nakausap pa kita.

Bakit sa isang iglap nahihirapan ka ng magsalita at gumalaw?

Hindi ko binitawan ang kamay niya.

"I'm so sorry. Sana patawarin mo ako." Pinipilit kong magsalita ng matino. "Mahal na mahal kita."

Ngumiti siya at tumango. He gaped her mouth but no words come out.

I bend over a kiss on her forehead.

"Mananatili ka sa puso ko."

UNSPOKEN FEELINGS (IV Of Spades Fanfiction)Where stories live. Discover now