19

636 20 29
                                    

Blaster

Four days straight ay hindi ko siya iniwan. Hindi ako natulog, hindi ako umalis sa tabi ni Zandra.

Sa lahat ng ginawa ko sayo, may tatlong bagay akong gusto kong hingian ng tawad.

Unang una ay ang pagsabi kong pupunta tayong dalawa sa prom. Sinabi ko lang naman yun para tumahan ka na.

Alam ko, naming hindi ka na aabot sa prom. Pero gustong gusto mo parin pumunta.

Alam mo bang ikaw ang yayayain ko kung hindi lang nangyari 'to lahat?

Oo alam mo daw sabi ni Kat. Sinabi niya sayo diba? Your reaction didn't go well as i expected.

Pero pumayag ka parin kahit no choice ka na. Wala akong pake, ikaw parin ang gusto kong kadate sa prom.

Alam kong parati mainit ang dugo mo sa akin. Parati tayong nagkakainisan. Parati kang nawawalan ng mood dahil sa akin.

Parati tayong aso't pusa. Minsan okay, minsan hindi.

Pero ako parin yung driver mo. Ako parin taga hatid sayo pauwi.

Ito ang ikalawang bagay na gusto ko hingian ng tawad.

Sana inayos ko ang pakikitungo ko sayo.

Yun lang naman ang paraan para mapalapit ako sayo, at para may dahilan akong makausap ka.

Zandra sana noon pa lang inamin ko na ang nararamdaman ko para sayo. Gustong gusto kita hindi mo lang alam.

Masama mang pakinggan pero matutuwa ako sa mukha mo pag nakasimangot at galit ka na sa akin.

Ano kaya ang mangyayari kung umamin akong gusto kita? Pero hindi na mahalaga ang kalalabasan, sana umamin ako sayo.

Yun ang huling bagay na dapat mong mapatawad.

Pero may pagkakataon pa, habang humihinga ka pa.

Kinuna ko ang kamay ni Zandra. I let our hands intertwined. Our hands look good together.

Dumilat ang mata niya.

Ngumit ako sa kanya at inilapit ko ang mukha ko.

"Naririnig mo pa ba ako?"

Dahan dahan siyang tumango.

"Naalala mo ba kahapon pumayag kang tayong ang magkadate sa prom?"

Tumango si Zandra.

Kinuha ko ang flower corsage sa pocket ng suit ko. Tinali ko iyon sa kamay niya.

"Pu..punta ba.. bat ayo sa.. sa prom?" Pinagmasdan niya ang bulaklak. "Or..Orchids."

Gusto ko umiyak. Pero nagpakatatag ako.

"Hindi tayo pupunta sa prom Zandra, the prom will come with us."

Malimit siyang tumawa. Parang lumulukso ang puso ko sa mga ngiti niya.

"Kay... kaya kab.. ba na ka.. ka tux..tuxedo?"

Inayos ko ang buhok ko at neck tie.

Marahan siyang tumawa. "Bagay ba?" Tanong ko.

Tumango siya. "So.. so dito., ga... ganapin ang.. ang prom?"

"Oo. Dito gaganapin ang prom nating dalawa."

Ang mga ngiti niya ay para bang nung first day of school ng senior high. Hindi ko siya pinansin nun pero alam kong may something kanya.

Dahan dahan siyang pumikit.

Bumilis ang tibok ng puso. Natatakot ako sa tuwing pipikit siya dahil baka hindi na siya didilat pa.

Hinawakan ko ang labi niya, tuyo ang mga ito. Naramdaman ko ang mainit niyang hininga.

Lumuwang ang sikip sa puso ko.

Humihinga pa siya.

Gusto ko siyang halikan. Kaya ko ba siyang halikan? Pwede ko ba siyang halikan? Kahit aa huling sandali.

Lumingon lingon ako sa loob ng room.

Naguusap ang parents niya at ng mga doctor. Ganun din sila Unique, Kat, Zild, Badjao. Lahat.

Comforting each others.

Wala akong pake kung may makakita sa gagawin ko. Matagal ko na 'to gustong gawin.

Inilapit ang labi ko sa labi niya. Dahan dahan kong dinampihan ang natuyo niyang labi. Hinalikan ko si Zandra.

"Mahal na mahal kita." I whispered before our faces apart.

[toot.. toot.. toot.. toot]

Na alarma ako, kaming lahat.

Lord..

"Doc, doc!" Nagsisigaw ang Mama ni Zandra.

Lumutang ang pagiiisip ko.

[tooooot...]

Lord..

"I'm so sorry." Umiling ang doctor.

UNSPOKEN FEELINGS (IV Of Spades Fanfiction)Where stories live. Discover now