15

471 14 5
                                    

Badjao

"Tara na babe." Sabi ni Aimee. "Naghihintay na si Zandra."

Nagsimula na ako magmaneho papunta sa hospital kung saan si Zandra na confine.

Kahapon pa, kahapon pa ako nagfofocus sa mga ginagawa ko. Sa tuwing iniisip ko ang kalagayan ni Zandra ay gusto kong magalit sa sarili ko.

Bakit sa konteng panahon ko lang siya makakasama. Kung alam ko lang edi sana nakabawi ako sa kanya.

"Okay ka lang?" Tanong ni Aimee.

Umiling ako.

"Hindi naman natin lahat gusto ang nangyayari. Hindi mo pwedeng ipakita yan sa kanya ang ganyan Badj."

Nahimasmasan ako. Tumango ako.

"I'm sorry."

"It's okay, it's okay." Comfort niya.

Hindi ko namalayang dumating na kami sa hospital. Sobrang bilis ng mga nangyayari.

Tumingin si Aimee sa akin at ngumiti.

Huminga ako ng malalim bago binuksan ang pintuan ng room ni Zandra.

Tahimik ang lahat.

Nanlulumo ako sa itsura niya. Gusto ko tumalikod at bumalik.

Hinawakan ako ni Aimee.

"Kaya mo yan. Sige na."

Hinayaan niya akong lumapit kay Zandra at umupo siya sa sofa kamasa nila Kat, Kamille at iba.

Dahan dahang lumingon si Zandra sa akin. Halos hindi na niya kaya. Ang hina ng katawan niya.

"Hi." Sabi ko. Hindi ko alam saan magsisimula.

Malimit siyang ngumiti.

"Pupunta.. na.. kayo.. sa .. prom? Bakit an, andito ka pa..?"

Bakit ganito na siya magsalita? Kahapon nung nagising siya ay maayos pa siyang nakakapagsalita.

Ganun na ba kalala ang sakit niya? Ang bilis.

"Gusto kitang makita."

"Ay..ayos lang ako.. Bad...Badj.."

Hinawakan ko ang kamay niya. Sobrang tapang niya. Parati niyang sinasabi na okay lang siya, para hindi magalala ang nasa paligid niya.

Tumango ako. Pinipigil kong hindi maluha.

Naawa ako sayo Zandra. Bakit nangyari sayo 'to?

"Masaya ak.. ako sa in..inyo ni ni ate Aimee."

Tumango ako.

Alam kong masaya siya para sa amin. Kahit kanino masaya naman siya. Kahit ano ay nagpapasaya sa kanya, kahit simpleng bagay.

"Magpahinga ka na."

Pagkasabi ko dun ay pumikit ang mga mata niya.

Pinagmasdan ko siya. Maputla ang mukha niya. Nakikita ko ang pagsusuffer niya at pagtitiis sa naramdaman niya.

Zandra.. you're still that adorable girl. Na sa tuwing makikita kong ngumingiti ay napapangiti rin ako.

I once love you but you broke me. But uou are a beautiful disater to me.

Sana masaya ka na.

Masaya na ako para sayo.

Magpahinga ka muna.

Mahal kita. Mahal ka namin.

UNSPOKEN FEELINGS (IV Of Spades Fanfiction)Where stories live. Discover now