13

690 15 89
                                    

I don't know why i end up here. Nakatayo ako ngayon sa harap ng pintuan ng ex journalist club room.

Tinignan ko ulit ang papel ng music club, binasa ko ng paulit ulit at dito nga talaga ang venue.

Binasa ko na rin ang nakasulat sa pintuan. Music Club. Naninigurado lang na hindi ako naliligaw.

Nagsisi na tuloy akong hindi sumabay kay Kat pumunta. Panigurado andiyan na siya sa loob.

Sige na, bahala na...

Pagbukas ko, napaawang ang baba ko.

Wow... Ang ganda ng room! Ka amazing ng ginawa nila dito.

Hindi pa ganun karami ang tao. Nagaayos sila ng mini stage. May mga nagsasabit din ng banderitas at balloons.

"Um hello." Sinalubong ako ng lalaking maaliwalas ang mukha. "Joining for the music club?"

"Ah no. Manonood lang."

"This way please."

Tinuro niya sa bandang gilid na may benches. Ngumiti ako at lumakad papunta doon.

Dito siguro ang mga manonood lang ng audition.

Sino kaya ang nakaisip nito? Ang ganda ng pagayos nila ng room. Hindi ko lubos maisip na eto yung nilinis namin ni Zild.

Parang hindi kapanipaniwala. From dirty, to quite empty, to now. Ang ganda na ng room at ang saya ng ambiance.

Nagpapatugtog din sila ng music, habang may nagseserve ng drinks sa mga nagaayos. Ang saya nila tignan habang busy.

Tumingin ako sa inaayusang mini stage.

Si Blaster at Unique nakatayong naguusap, nagtatawanan sila. Habang lumapit naman ni Zild at inabutan sila ng drinks.

Nakakatuwa silang tignan. Totoong totoo ang bond nila.

Nilapat ko ang paningin ko.

Nakita ko si Kat na nakaupo sa sahig, kasama si Liam habang may hawak ito na gitara. Kumakanta si Liam at pinagmamasadan siya ni Kat. Baka mago-audition si Liam.

Napangiti ako.

"Zandra!"

Napalingon ako sa tumawag sa akin.

Napatayo ako agad sa kinauupuan ko.

"Zild."

"Andito ka na pala. Sino kasama mo?"

"Si Kat." Tinuro ko ang dalawa.

Ngumiti siya. "Ah okay." Binulsa niya ang dalawa niyang kamay. "So... mago-audition ka?"

"Baliw hindi!" Tumawa ako. Tumawa rin siya.

"Oh hey guys." Dumating bigla si Blaster.

"Hello Zandra." Bati ni Unique.

"Hi Unique." Kumaway ako sa kanya at ngumiti.

"What do you think?" Zild spread his arms. Tumingin siya sa buong room.

"Ang ganda. Sobrang ganda. Hindi ko inexpect na eto ang gagamitin niyo."

"Well yeah, si sir Cascadin na mismo ang lumapit at inalok ang room."

"Talaga?"

Ang balyenang iyon, mas may igaganda pa pala ang ugali.

"So who's the founder?" Tanong ko naman.

UNSPOKEN FEELINGS (IV Of Spades Fanfiction)Where stories live. Discover now