17

467 15 15
                                    

Unique

"Unique, unique.. unique." Nagising akong may umaalog alog sa akin.

Napatayo ako galing sa sofa. Si Blaster ginising ako.

"Hinahanap ka niya." Mahina niyang sabi.

Nahimasmasan ako.

Lumapit ako kay Zandra.

Hindi ko ininda ang sakit ng ulo ko. Kahapon pa kami dito tatlo nila Blaser at Kat. Hindi ako nakatulog hangang mag umaga nang dumating ang parents ni Zandra.

Hinawakan ko siya sa pisngi. Sobrang lamig niya. Biak biak din ang labi niya.

"Andito na ako, andito na ako Zandra."

Malimit siyang ngumiti.

"O..ok... okay kal.. ka lang Unique?"

Sobrang bilis ng pitig ng puso ko.

Parang nung una ko siya makita. At lalo na nung nilapitan ko siya at nakausap.

"Okay ako, okay lang ako. Ikaw?"

Umiling siya. "Hi..hin..hindi." Tumulo ang mga luha niya.

Pinanusan ko ang mga iyon. Mainit ang mga luha niya at punong puno ng kalungkutan.

"Mas..masaya ba ka.. kayoni ni Chyra?"

Hindi ko alam ang isasagot ko. Sa kabila ng lahat ng nararamdaman niya ay kalayagan parin ng iba ang naiisip niya.

Oo masaya ako, masaya kami ni Chyra. Pero mas masaya ako pag tayo Zandra.

"Kas..kasi.. masay..ya ako par.. para sa in..yong dal..wa."

Mas nasasaktan akong sinasabi niyang masaya siya para sa amin.

Zandra, bakit hindi natuloy yung sa atin? Bakit walang nangyaring tayo?

Ang duwag ko kasi. Hindi kita kayang ipaglaban. Nagtago ako sa likod ng mga sulat at salita.

Parang hindi kasi ako bagay sayo. Ang taas at ang layo mo.

Pero bakit yun pa ang inisip ko? Ngayon, mas ang layo layo mo. At baka tuluyan ka ng malalayo.

"Mahal na mahal kita." Pinilit kong sabihin sa gitna ng luha kong pumapatak.

Ngumiti siya at tumango.

Ang sakit sakit. Gusto kong suntukin ang mga pader.

Sana ako na lang sa kalagayan mo. Para kahit sa huling sandali ko ay makita ko parin ang mga ngiti mo.

Pero ikaw ang nandiyan. Nahihirapan, at ako nahihirapan din.

Sana maibalik ang dati. Yung nakikita kitang nakangiti habang binabasa ang mga sulat ko.

You are so near yet so far.

Pero sana hindi ako nagtago, para mas marami pang panahon na magkasama tayo.

Nagsisi akong naging duwag ako sa nararamdaman ko. At ganun na lang kita isinuko, kasi akala ko walang magiging tayo.

Walang kwentang akala. Mapapagaling ka ba ng pagsisi ko?

"Zandra mahal na mahal kita." Sinambit ko ulit. Pero nakapikit ka na.

Mapalitan ka man ay iba parin ang puwang mo sa puso ko.

Masaya akong nakilala kita. At kung saan ka man patungo, tiyak mas masaya dun.

UNSPOKEN FEELINGS (IV Of Spades Fanfiction)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें