My boyfriend and I have been dating for a year now. Pero ang progress ng relationship namin, mas mabagal pa sa wifi sa bahay. Blame it on his ~extreme~ shyness.
NAKASIMANGOT lang ako habang pinapanood si Tray na i-set up ang projector niya sa dingding ng kuwarto niya. Manonood kasi kami ng Star Trek. I'm not a fan of sci-fi so I'm not that thrilled, but I decided to give it a shot because I love my boyfriend.
Saka nagtitiyaga siyang manood ng romantic movies with me kaya this time, ako naman angmakikisakay sa trip niya. I want to love the things that he loves, eh.
"Bomi, gusto mo ba ng fries..." Natigilan si Tray nang mapansin niyang nakasimangot ako at yakap lang ang mga binti ko habang magkatabi sa sahig. "What's wrong? Why do you look upset?"
Humugot ako ng malalim na hininga para sa drama ko, saka ko siya tiningnan ng seryoso. "Tray, let's breakup."
Halatang nagulat siya dahil napakurap-kurap lang siya habang nakatingin sa'kin.
"Pagod na ko sa'yo," pagpaoatuloy ko para kumuha pa ng reaksyon mula sa kanya. "Mag-break na tayo."
Inasahan ko na magtatanong siya, magagalit, o kalmado lang na tatanggapin ang desisyon ko dahil alam ko namang medyo meek siya pagdating sa mga ganitong bagay.
So I was shocked when he suddenly cried. As in may mga luha na tumulo sa magkabila niyang cheeks!
"B-Bomi, kung ayaw mo manood ng Star Trek, sabihin mo lang," sabi ni Tray sa basag na boses. "P-Puwede naman ako mag-download ng favorite rom-com movies mo, eh. Y-you don't have to b-break up with me." Napahikbi siya habang pinupunasan ng mga kamay niya ang mga luha niya. "P-Pleae, pag-usapan natin 'to. Don't leave me. I'm begging you."
I was... touched. Hindi ko inakala na iiyakan ako ng isang lalaki habang nagmamakaawa sa'kin na 'wag ko siyang iiwan. Siyempre, kinilig ako.
But I also felt guilty.
"Tray, I was just joking!" mabilis na sabi ko naman, saka ako gumapang palapit sa kanya. "Nakalimutan mo na ba kung anong araw ngayon?" Nang hindi siya sumagot dahil humihikbi pa rin siya at pinupunasan ang mga luha, ako na ang nagkusang kumandong sa kanya. Pagkatapos, niyakap ko siya sa leeg at pinaulanan ng halik sa mga pisngi niya. "It's April Fools' Day today." Pinunasan ko ng mga kamay ko ang mga pisngi niya. "I was just teasing you."
Sumimangot siya pero namula rin ang mga pisngi na parang napahiya. But at least, he stopped crying. "It wasn't funny, Bomi. Gano'n lang ba kadali para sa'yo ang sabihing mag-break na tayo para gawin mong April Fools' prank?"
Aww... my boyfriend is mad.
And rightfully so.
"I'm really sorry," pagpapaawa ko naman sa kanya. "I was wrong."
Hindi siya sumagot pero ipinalupot naman niya ang mga braso niya sa baywang ko.
"Sorry na," paglalambing ko sa kanya, saka ko siya hinalikan sa lips. Pero wala pa rin siyang naging reaksyon. "'Wag ka nang magtampo, Tray. Hindi na uli ako mag-jo-joke tungkol sa breakup natin." Tinaas ko ang kanang kamay ko. "Promise. Please forgive me na."
"Hay, hindi talaga kita matitiis," pagsuko ni Tray, saka siya ngumiti. "I love you, Bomi."
"I love you, too, Tray," sagot ko naman, saka ako humiga sa dibdib niya. "Let's watch na."
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
*** MEANWHILE... [Happy&Gardner Special]
UMARTE ako na seryoso nang saluhan ako ni Gardner sa table for two sa coffee shop na meeting place namin. Magsha-shopping kasi kami today.
"What would you like to have?" tanong agad ni Gardner sa usual niyang seryoso at cold na boses. "Frappe and donut like usual?"
"Gardner," seryosong sabi ko sa kanya kaya siguro napatingin siya sa'kin na parang nabigla sa tono ko. Buti na lang at hindi ako natawa. Frustrated actress kasi ako. "Let's break up."
"Okay," mabilis na pagpayag naman ni Gardner, saka siya tumayo. "It was nice dating you, Happy. See you around."
Understatement kung sasabihin kong nagulat ako nang bigla na lang akong layasan ni Gardner. Ang cool pa nga niya habang naglalakad papunta sa counter. He even had his hands in his pockets which made him look so nonchalant.
"Gardner, it was just a prank!" natatarantang paliwanag ko nang makabawi ako. Saka ako tumayo at tumakbo para habulin siya. Buti na lang at nakapila si Gardner kaya mabilis ko siyang naabutan. Yumakap agad ako sa braso niya at tumingala sa kanya. As usual, his face was blank kaya hindi ko mabasa ang iniisip niya. "Binabaw ko na 'yong sinabi ko kanina, Gardner. Hindi mo ba alam na Apri--- mff!"
Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko kasi biglang yumuko si Gardner para halikan ako sa mga labi. It was a quick but deep kiss.
"I know," nakangiting sabi sa'kin ni Gardner. Bihira lang siyang ngumiti kaya siyempre, kinilig ako kahit alam kong natulala lang ako sa kanya. "Happy April Fools' Day, babe."
Nag-ayiiieee ang ibang mga customer na nakarinig at nakakita sa eksena namin ng boyfriend ko.
Ako naman, nag-init ang mga pisngi ko sa hiya kaya sinubsob ko ang mukha ko sa braso ni Gardner. Pasimple ko rin siyang kinurot sa tagiliran na ikinatawa niya lang. Ako pala 'tong na-prank niya. "I hate you, Gardner."
Natawa lang ng mahina si Gardner. "I love you, too, babe."
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.