28th Chapter: Confrontation

2K 122 17
                                    

"YUNI, bakit mo sinabi kay Hendrick noon na in love ka na sa iba?" tanong ko kay Yuni habang nag-re-retouch ako gamit ang face powder. "Totoo bang sinabi mo lang 'yon para tigilan ka niya?"

"Of course," sagot ni Yuni na nag-a-apply naman ng liquid matt lipstick. "Iniisip mo ba na si Tray 'yong sinasabi ko sa kanya?"

"I hope not."

She rolled her eyes at me. "Of course not. I'm not in love with anyone right now."

Natahimik na lang ako kasi ayokong i-acknowledge ang possibility na nagsisinungaling siya ngayon. Yuni can't possibly be in love with Tray, can she be?

***

HINIHINTAY ko si Tray sa mall kasi maagang natapos ang class ko. Siyempre, deretso ako sa mga makeup para bumili ng bagong lipstick.

Anyway, bukod sa boyfriend ko, makikipagkita rin sa'min si Yuni dahil bibili siya ng mga gamit niya sa paglipat niya sa condo ko. Kagabi lang eh nakalipat na siya sa condo ko dala ang mga maleta niya pero kailangan daw niya ng bagong mga mug, toothbrush, pajama, at kung anu-ano pa. Kaya nag-aya siya ngayon na magpunta sa mall. Nag-offer ako na dadaanan ko siya sa condo para sunduin pero tumanggi siya. Dederetso na lang daw siya rito mag-isa.

Ah, bukod din pala kay Yuni, darating din si Krey dahil may balita raw siya sa'min.

I miss spending time with Tray... just the two of us.

Busy ako sa paghahanap ng shade na bagay sa'min nang may tumabi sa'min.

"That shade will look good on you, Bomi."

Nalingunan ko si Krey at hindi ko napigilang makaramdam ng awkwardness pagkatapos ng compliment niya sa'min. "Thanks, Krey," sabi ko kasi gusto kong maging civilized at decent person, saka ako humingi ng stock sa sales staff kasi 'yon na rin naman ang napili kong shade.

"Gusto niyo i-try ang tester, ma'am?" nakangiting sabi ng sales staff habang palipat-lipat ng tingin sa'min ni Krey. Alam ko na iniisip niyang boyfriend ko si Krey kasi halata naman. "Bago 'to, eh. Hindi siya nag-smudge kahit mag-kiss pa kayo ng boyfriend mo."

Pinilit kong panatilihin ang polite smile ko kahit gusto ko nang mag-snap. Alam ko naman na may mga nosy sales staff talaga pero hindi ko in-expect na may makakasalamuha ako. Okay lang sana kung si Tray ang kasama ko ngayon pero hindi, eh.

Tumawa naman si Krey, halatang sumasakay sa panunukso ng staff. "Really?"

"Yes, sir!" excited na sagot ng staff, saka siya tumingin sa'min. "Ma'am, try niyo po?"

"No, thanks," nakangiting tanggi ko kahit medyo naiinis ako sa kakulitan ng staff. "I'm using the same brand right now kaya sure na kong hindi nag-i-smudge ang lipstick ko."

Halatang hihirit pa ang staff pero natigilan siya at lumagpas ang tingin sa'min. Naramdaman ko rin ang presensiya ng ibang tao sa likuran ko. Pabango lang niya, kilala ko na siya.

"Bomi?"

Nalingunan ko si Tray at bago pa ko makapag-react, yumuko na siya para i-kiss ako sa lips. The kiss he gave was quick but deep. Shookt ako, pero kilig pa rin siyempre. Ngayon lang kaya niya ko hinalikan sa lips in public!

Ang saya kasi ramdam na ramdam ko ngayon na super proud siya sa'min as his girlfriend. Iba pa rin pala kapag nagp-PDA kami. Minsan lang naman, eh.

"Mm," sabi ni Tray nang putulin na niya ang kiss namin, saka niya pinaraan ang daliri niya sa lips ko. 'Tapos, tumingin siya sa female staff at kay Krey na halatang shookt din sa nangyari. Pero ang tingin ng boyfriend ko, nasa staff lang. "Miss, hindi nga nag-smudge ang lipstick ng girlfriend ko kahit nag-kiss kami."

My Super Shy BoyfriendWhere stories live. Discover now