[DECEMBER 2018]
"UNTIL now, naka-frame pa rin dito sa room mo 'yang GC na binigay ko sa'yo noon?" natatawang tanong ko kay Tray habang nakadapa ako sa kama niya at nakatitig sa frame na nasa itaas ng headboard. "That's sweet. Pero sayang naman."
"Bakit naman sayang?" kunot-noong tanong ni Tray na nakaupo sa lazyboy niya sa tapat ng computer desk niya. "'Yan ang first gift mo sa'kin, eh. Dapat lang na i-frame ko 'yan."
Napangiti lang ako sa kilig. Sobrang keeper talaga ng boyfriend ko. I like that he is sentimental and sweet like this. "Ngayon ko lang 'to aaminin sa'yo pero nag-expect ako noon na babalikan mo ko at dadalhan ng coffee."
Simula nang maging kami ni Tray, ngayon lang uli namin napag-usapan ang tungkol sa nangyari no'ng araw ng college entrace exam ko. Hindi ko alam kung bakit pero iniiwasan niyang pag-usapan 'yon. Hindi ko naman siya makulit kasi alam ko naman ang ayaw niya sa lahat eh 'yong pinipilit siyang magkuwento kapag hindi pa siya ready.
"Binalikan kita that day, Bomi."
Nagulat ako sa sinabi ni Tray kaya napabangon ako at napatingin sa kanya. Nakatingin din siya sa'kin at gaya ng madalas, nagba-blush na naman siya. "Binalikan mo ko that day? Bakit hindi kita nakita?"
Napakamot siya ng pisngi at nag-iwas ng tingin. "Nakita kasi kitang kasama si Gardner that day. 'Yon 'yong time na akala ko eh nag-de-date kayo. Kaya umuwi na lang ako."
"Hala. Bakit ngayon mo lang sinabi sa'kin 'yan?"
"Eh kasi, nahihiya ako," pag-amin niya. "Kapag naiisip ko 'yong nangyari no'n, nahihiya ako sa sarili ko. Nag-assume kasi agad ako na kayo ni Gardner. 'Tapos nagmukmok ako na wala naman palang reason."
Napasimangot ako sa nalaman ko. "Magkasama lang naman kami ni Gardner no'ng day na 'yon kasi pinagbati niya kami ni Happy. Siya naman kasi ang reason kung bakit kami nagkagalit ng best friend ko no'ng time na 'yon, eh."
"I know. That's why I feel like a fool whenever I remember that day. It was stupid of me to avoid you just because I thought you were dating Gardner." Umiling-iling siya na parang nafu-frustrate talaga sa sarili. "Sa sobrang iwas ko no'n, ni ayokong naririnig ang name mo kaya hindi ko inalam kung totoo bang naging kayo ni Gardner. Anyway, I thought hindi na natin ibi-bring up ang mga misunderstanding saka 'yong mga cause ng mga pinag-awayan natin noon?"
"Okay. I'm just teasing you," natatawang sabi ko, saka ako tumayo at lumapit sa kanya. Pagkatapos, umupo ako sa kandungan niya at yumakap sa leeg niya. I'm just pushing my luck to see how much of physical contact will he allow me this time. Fortunately, he didn't ask me to get off his lap. "I'm sorry for bringing it up."
"I'll forgive you if you kiss me," halatang nahihiya pero teasing na sabi ni Tray.
Lalo akong napangiti, saka ko siya binigyan ng magaang na halik sa lips. I would have deepened the kiss, but I was distracted by his vibrating phone on the table.
"Oh, it's Yuni," sabi ni Tray nang kunin niya ang phone niya para basahin ang text ni Yuni habang ang isa naman niyang kamay, nasa baywang ko na. Much to my surprise, he suddenly beamed. "Hindi na raw muna tutuloy si Yuni dito. May mahalaga raw siyang lakad ngayon. Which means cancelled na ang lakad natin with her."
Natawa ako sa sobrang liwanag ng mukha niya kaya pinisil ko ang mgs pisngi niya. "You really love cancelled plans, you introvert."
Ngumiti lang siya bilang confirmation. Yep, he is really an introvert who loves cancelled plans so he can stay home instead of going out.
Ngayong araw sana lilipat si Yuni sa condo ko. Kaya nga nandito ako sa condo ni Tray ngayon. Dito ang meeting place namin bago kami ihatid ng boyfriend ko sa unit ko.
"If that's the case, then I'll just go to Happy's house and spend some girl time with her," sabi ko naman, saka ako tumayo dahil napapansin kong uncomfortable na ang boyfriend ko sa posisyon namin.
Halatang na-relieve si Tray nang tumayo na ko dahil medyo naiilang pa rin siya sa intimate moments namin. "Ihahatid na kita, Bomi."
"Thanks for the offer but I can manage. Mag-bu-book na lang ako ng ride," sabi ko, saka ko nilabas ang phone ko mula sa handbag ko. "Saka we've been together for the whole week na. Thank you for that, by the way."
"No need to thank me because I love spending time with you, Bomi."
"But not too much, right? You still need your "me time" to recharge."
He just laughed softly as confirmation.
Napangiti na lang ako habang iiling-iling. Kilala ko na si Tray kaya alam ko na kapag sunod-sunod ang lakad namin, kailangan niya ng "me time" o day off na malayo sa'kin at sa ibang tao para makapag-recharge.
And I'm fine with it. Kailangan naman talaga namin ng space at "me time" para sa mga sarili namin, eh. May kanya-kanya pa rin naman kaming mga buhay sa labas ng relasyon namin.
"You really get me, Bomi," malambing na sabi ni Tray. "I love you."
Napatingin ako sa kanya at hindi ko napigilang kiligin nang makita ko ang pagmamahal sa mga mata niya. "I love you, too, Tray."
May sasabihin pa sana ako pero natigilan ako nang makita kong nagvi-videocall ang receptionist ng condo builing ko. Kaibigan ko na si Lauren kaya may personal number na kami ng isa't isa. Sinagot ko ang tawag niya pero ibang tao ang sumalubong sa'kin na ikinagulat ko.
"Krey Park?"
Ngumiti at kumaway naman sa monitor si Krey. "Hi, Bomi."

YOU ARE READING
My Super Shy Boyfriend
RomanceMy boyfriend and I have been dating for a year now. Pero ang progress ng relationship namin, mas mabagal pa sa wifi sa bahay. Blame it on his ~extreme~ shyness.