[Bomi]
***
"BAKIT nagpalasing ka kay Gardner?" iiling-iling na tanong ko kay Tray habang nakahiga siya sa kama at tinatanggal ko ang medyas niya. Pagkatapos, umupo ako sa tabi niya at marahang tinapik ang balikat niya. "Baby boy, wake up. Magpalit ka muna ng pajama bago ka matulog." Pagdating niya sa kuwarto niya, naghilamos at toothbrush lang siya, saka siya humiga agad. "I need to go home na, eh."Biglang bumangon si Tray. "It's late, I'll drive you home."
"No, you're drunk," saway ko sa kanya. "Magbu-book na lang ako ng car."
"No," naka-pout na reklamo niya, saka niya kinulong ang mukha ko sa mga kamay niya. His face was red but I'm not sure if it's because of being drunk or shyness. "May nabasa akong article kanina. Merong private car driver na nagkagusto sa passenger niya. Then, ginamit niya ang app para makuha ang number no'ng babae. Then, he started to court the girl. Ayokong mangyari din 'yon sa'yo."
Natawa ako sa sinabi niya. "Tray, that won't happen to me. Gano'n ba ko kaganda sa paningin mo para i-assume mo na magkakagusto sa'kin ang lahat ng boys na kinakausap ko?"
"Yes," sagot niya sa seryosong boses. "You're the most beautiful girl to me, Bomi."
"Thank you," natatawa pero sincere at kinikilig na sabi ko. "So, ano nang gagawin natin ngayon?"
"Stay," sabi ni Tray, saka niya ko niyakap. Pagkatapos, marahan niya kong hinila hanggang sa pareho na kaming nakahiga sa kama. Na magkayakap. "Let's sleep together, Bomi."
Napangiti ako habang nakasubsob ang mukha ko sa dibdib niya. Amoy alak siya pero naaamoy ko pa rin ang natural manly scent niya na gustong-gusto ko. "I can't wait to tease you tomorrow."
***
"B-BOMI?"Nagising ako nang marinig ko ang boses ni Tray. Pinilit kong magmulat ng mga mata at mayamaya lang, sumalubong na sa'kin ang gulat na mukha ng boyfriend ko. "Good morning, bebe boy."
Napasigaw si Tray, saka siya mabilis na bumangon. Mukhang nagmamadali siyang tumayo kaya hayun, nahulog siya sa kama.
Nagising ako ng tuluyan dahil sa nangyari sa kanya. Bumangon ako at sinilip siya. I was relieved nang makita kong nakaupo siya sa sahig at mukhang hindi naman nasaktan. "Are you okay, Tray?"
"I-I'm sorry, Bomi!" halatang nagi-guilty na sabi ni Tray, saka siya lumuhod habang binibigyan ako ng puppy look. "May ginawa ba kong masama sa'yo kagabi?"
"Kung oo, anong gagawin mo?"
Siyempre, namula na naman ang mukha niya. "I'll take responsibility."
"Too bad you didn't do anything wrong," natatawang sabi ko naman. "But you didn't kiss me good night."
"H-How about a good morning kiss?"
"Puwede na rin," pabebeng sagot ko naman. "Pero sa cheek lang, ha? Hindi pa ko nagtu-toothbrush, eh."
Nag-toothbrush naman siya kagabi gamit ang extra toothbrush sa cupboard ni Tray para sa mga bisita.
"Okay, bebe girl."
Tumayo si Tray at umupo sa tabi ko. Pagkatapos, kinulong niya ang mukha ko sa mga kamay niya. When he leaned down to kiss me, I closed my eyes.
Akala ko, sa cheek niya lang ako hahalikan. Kaya nagulat ako nang maramdaman ko ang kiss niya sa lips ko.
"Tray, hindi pa ko nagtu-toothbrush."
"Nag-toothbrush naman tayo kagabi," sabi ni Tray, saka siya muling tumingin sa lips ko habang binabasa niya ng dila ang lips niya. He looks like he's really thirsty for me. "Bomi, can I kiss you on the lips again?"
Nag-smile ako, saka ko hinila ang boyfriend ko sa kuwelyo.
This time, I was the one who kissed him on the lips. Ang agang makeout session niyon. But I'm not complaining.
Ang sarap talagang humalik ni Tray!

YOU ARE READING
My Super Shy Boyfriend
RomanceMy boyfriend and I have been dating for a year now. Pero ang progress ng relationship namin, mas mabagal pa sa wifi sa bahay. Blame it on his ~extreme~ shyness.