SINIMANGUTAN ko lang siya, saka ako lumapit kina Trish at Tita Trina para bumati at bumeso sa kanila.
"I'm glad you're already here, hija," sabi ni Tita Trina pagkatapos kong humalik sa pisngi niya. "Kausapin mo nga 'yang boyfriend mo. He wants to leave the hospital when he can't even walk straight."
"He lost consciousness when he was hit," dagdag pa ni Trish na nakaupo sa couch habang kinakalikot ang phone niya. Na-mention na 'yon ni Tita Trina sa'kin kanina kaya hindi na ko nagulat. "When he woke up, he was dizzy and so out of it. But half an hour later, when he received a call from Yuni, he suddenly said that he has to go somewhere. We're trying to stop him when you came, Ate Bomi."
"Thanks for the update, Trish," nakangiting sabi ko sa kanya kahit hindi siya nakatingin sa'kin dahil busy na siya sa paglalaro ng game sa phone niya. May idea na ko kung ano ang iniisip ni Tray kaya pinilit kong kumalma bago ako humarap kay Tita Trian na halatang nag-aalala. "Tita, what exactly happened? Na-mention niyo lang kasi na nandito siya sa ospital."
"Someone assaulted my son in IT Teen Magazine's basement parking," pagsisimula ni Tita Trina. "Thankfully, nakita ng isa sa mga security guard do'n ang nangyari. He tried to run after the assailant but when he saw Tray bleeding and unconscious, he went to my son's aid first. Tumawag siya ng back-up at ambulance. Pero unfortunately, hindi na nahabol 'yong assailant. Nandito ang mga police kanina at kinausap na nila si Tray pero wala rin namang nasabi ang anak ko kasi hindi niya nakita ang assailant."
"How about checking the CCTV, Tita?" nag-aalalang tanong ko. Sa sobrang seryoso ng nangyari kay Tray, hindi ko na alam kung pa'no pa ko nagiging kalmado ngayon. "Baka may nakuha namang footage para mahuli ang assailant ni Tray."
"Kasama pa rin ngayon ng Tito Tirso mo ang mga pulis na tumingin sa CCTV ng building," sabi ni Tita Trina. Si Tito Tirso naman ang daddy ni Tray. "Tumawag siya sa'kin kanina lang. Hindi nakita ang mukha ng assailant sa CCTV kasi naka-cap at face mask siya. Pagkatapos niyang hampasin ng baseball bat ang likod ng ulo ni Tray, kinaladkad niya ang anak ko sa spot ng basement na hindi nakikita sa CCTV kaya wala silang idea kung ano ang nangyari." Tinuro niya ang phone at wallet ni Tray sa mesa sa tabi ng bintana. "Pero na-recover pa rin kay Tray ang phone at wallet niya kaya inalis na 'yong anggulo ng pagnanakaw. Fortunately, nakuha nila ang plate number ng ginamit na getaway vehicle kaya tine-trace na nila 'yon ngayon."
"That's a relief," sabi ko, saka ko binigyan ng iritadong tingin si Tray na mabilis nag-iwas ng tingin. Then, I turned to Tita Trina again. "How's Tray's condition, Tita?"
"He had a concussion," sagot ni Tita Trina sa boses na halatang na-i-stress. "According to the doctor, it's a mild traumatic head injury. But thankfully, it's not life-threatening. Still, he needs to stay here overnight. Kailangan pang obserbahan ng mga doktor ang kondisyon niya." Tiningnan niya ng masama ang panganay niyang anak. "Kaya nga hindi ko maintindihan kung bakit nagpipilit 'yang si Tray na umalis." Tiningnan niya ako at nakita ko ang takot sa mga mata niya. "Hindi naiintindihan ng batang 'yan kung ga'no ko natakot no'ng tinawagan ako ni Yuni para ipaalam sa'kin ang nangyari. Buti nga't may presence of mind pa rin ako para tawagan ang daddy niya. Sumugod agad kami ng daddy niya dito agad-agad. Iniwan namin ang mga trabaho namin. 'Tapos no'ng nahimasmasan siya, gusto niyang umalis nang hindi nagpapaliwanag kung bakit. That child might have gone crazy."
"I'll talk to Tray, Tita Trina," pag-a-assure ko sa kanya kasi nagiging emosyonal na siya. "Don't worry po. I'll make sure he won't leave this room."
Halatang na-relieve si Tita Trina sa sinabi ko. "Thank you, Bomi. It seems like my son only listens to you these days so I'm glad you're on my side."

YOU ARE READING
My Super Shy Boyfriend
RomanceMy boyfriend and I have been dating for a year now. Pero ang progress ng relationship namin, mas mabagal pa sa wifi sa bahay. Blame it on his ~extreme~ shyness.