Tumingin ako kay Mama na busy sa pagbabasa ng mga kung ano-anong papel na nakalatag sa table nya rito sa library room namin.
"Ma." tawag ko sa kanya.
"Yes?" tanong nya na hindi lumilingon sakin.
Naglakad ako patungo sa harapan ng table nya at naupo sa upuan. Pinagmasdan ko ang mga papel na nasa table nya. Maloloka ata ako kung iintindihin ko ang mga 'to. Codes pa nga lang sa thesis namin hirap na ako.
"Anong klaseng tao ang mga Student Council mo?" tanong ko at pinagmasdan ang mukha nyang tumingin sakin.
Nakataas ang mga kilay nya. Tinanggal nya ang salamin nya at sumandal sa swivel chair.
"Bakit mo natanong 'yan?" napakamot ako ng ulo ko.
"Eh kasi kanina nakasalubong ko sila. Ganon ba talaga sila, Ma? kung magsalita sila parang ang bastos." pag-aamin ko. Lagi naman ako nagsasabi ng kung ano-ano kay Mama kaya okay lang na sabihin ko ang tungkol sa mga Student Council nya. Alam ko naman na hindi nya sasabihin sa mga 'yon ang sasabihin ko ngayon.
"Nilandi ka na naman ba nila?" imbis na sagutin ay nagtanong sya.
"Ata? Ewan. Hindi ako komportable sa kanila." sabi ko.
"Ngayon ka lang kasi nakasalamuha ng iba bukod kanila Left kaya feeling mo ay hindi ka komportable sa kanila."
"Hindi rin Ma, sa kanila lang talaga ako hindi komportable . Ang weird nila eh."
"Wow, mula sa bibig mo sinabi mo 'yan? nilalagnat ka ba?" napasimangot ako habang sya ay natawa. "Mula sa anak kong baliw, siraulo, loka-loka, megaphone at gago."
"Ma! sinasabihan ninyo ganyan ang anak ninyo?" sabi ko. Okay lang sana kung sina kaliwa lang magsabi non eh kaso mula kay Mama?
"Oh bakit? ganon kayong magkakaibigan 'di ba?" natatawang sabi nya. Napasimangot ako. "Ang tatanda ninyo na pero parang pa rin kayong bata." naiiling na sabi nya pero mukhang hindi naman sya disappointed na ganon kami. "Alam nyo? napagdesisyunan naming mga magulang ninyo na bigyan kayo ng business na may gawin kayong seryoso."
"Lah si Mama, IT kami hindi business ad student. Tsaka si Veron may business naman sya at lalo na seryoso naman kami." sabi ko. Bakit nauwi sa ganito ang usapan naming dalawa?
"Nope, malaki ang ibibigay namin sa inyong business na pagtutuunan ninyo talaga ng pansin na lima. Tsaka IT nga kayo pero may alam ba kayo sa IT? parang ang ginagawa ninyo lang doon ay pumasok para sa baon."
"Ma, may alam naman kami sa pagiging IT namin. Hindi naman kami aabot sa fourth year kung wala. Para naman wala kayong bilib sa anak ninyo." sabi ko na may himig na pagtatampo.
"Anak, hindi bagay na magtampo ka diyan. Oo nga't fourth year na kayo, eh ang kaso ang grades ninyo sa mga Major subject ninyo ay tres o kaya two point five. Pasang-awa."
"At least bawi sa minor." proud na sabi ko. Nailing naman si Mama na nakangiti. "Teka Ma, nalalayo na tayo eh, bigla napunta samin yung usapan, nasa Student Council mo tayo kanina eh."
"Bakit ba interesado ka sa kanila?" tanong nya.
"Hindi ako interesado Ma, nagtatanong lang ako dahil miski nga si kaliwa ay hindi komportable sa mga 'yon dahil sa pananalita nila." pangdadahilan ko.
"Hmm...playgirl kasi ang mga 'yon, mahilig din sa kama at makipaglandian." sabi nya na para bang walang kaso 'yon sa kanya.
"Ma, bakit may mga ganyan kang Student Council? hindi ba ikakasira ng school mo 'yan?" ano na lang iisipin ng iba na yung school nila Mama ay mahaharot na paaralan? na puro nag-aaral doon ay malalandi nang dahil sa mga ganyang image na estudyante tapos Student Council pa.
YOU ARE READING
Mi Amore Series#2: My Hot President
RomanceAng mata nyang kulay blue, nakakapigil hininga itong pagmasdan. Hindi ko maalis alis ang tingin dito lalo na nakatingin sya sakin, para akong nalulunod sa tingin nyang yon.