Chapter 5

19.9K 875 214
                                    


Jade's POV

Nasa sala kaming tatlo nila Fin at kaliwa dito sa rest house nila Veron habang nasa kusina naman ang apat at hindi namin alam kung ano nangyayari sa kanila doon dahil nakakarinig kami ng tawa pero hindi kami nag-aksaya na puntahan sila. Busy kami sa panonood ng basketball.

"Grabe fan na fan talaga ako ng KillVey." sabi ni Fin nung ipakita sa screen kung paano bigyan ni Avey ang coach ng team ni Kill na star player ng basketball ng towel.

"Halata nga eh." sabi ni kaliwa.

"Sobrang dami na natin kaliwa. Sa larangan ng basketball, ang dami nila." sabi ni Fin. Nakikinig lang ako sa kanilang dalawa habang nanonood ng tv.

"Oo yung isa diyan malapit na." sabi ni kaliwa. Tumingin naman ako sa kanya. Nasa gitna namin sya ni Fin.

"Sino?" takang tanong ni Fin. Pati ako nagtataka kung sino tinutukoy nya.

"Nandiyan lang 'yan, sa tabi-tabi." nagkatinginan kami ni Fin na nagtataka kay kaliwa.

"Hoy mga mahal na hari, luto na po ang almusal." sabay kaming napatingin na tatlo kay Gia.

"Buti naman! kanina pa ako gutom." naunang tumayo si kaliwa. Sumunod naman kami ni Fin.

"Hanep ah?" mataray na sabi ni Gia at naunang bumalik sa kusina.

"Alam mo, naisip ko rati, kayo ni Gia ang madalas na magkaalitan, iniisip ko na baka kayo ang magkatuluyan." biglang sabi ni Fin na pinandirian ng sobra ni kaliwa. Natawa naman ako sa itsura nya.

"Yuck, Fin! pinagsasabi mo?"

"Gago ka, purkit close na close lang yung dalawa." sabi ko. Si kaliwa at Gia kasi ang mas close dahil laging inaasar ni kaliwa si Gia. Ako naman, madalas kong kasama si Fin sa mga kalokohan pero minsan si Veron kapag nadedemonyo nya ako.

"Wala lang." nakangiting sabi ni Fin.

"Bwisit ka. Tigilan mo nga kakaisip ng mga ganyan. Kinikilabutan ako sayo." natawa naman kami ni Fin.

"Ang tagal naman ninyo." sabi ni Veron.

"Ito kasi si Fin. May sinabing kalaswaan." sabi ko. Umupo ako sa tabi ni Paris dahil ayun lang ang bakante. Nasa right side ko si Fin.

"Kayo talaga." sabi ni Gia.

"Lah parang sya hindi ganon." sabi ni kaliwa.

"Nasa harap ng pagkain. Tumigil." sabi ni Nissan kaya tumigil na kaming lahat.

Kahit na may kasama na kaming iba which is si Paris ay hindi pa rin mawala wala sa hapagkainan namin ang kulitan. Hindi lang ako masyado nagkukulit dahil nahihiya ako kay Paris. Mamaya pag-isipan pa ako nito ng kung ano.

Sunod-sunod ang subo ko ng kanin dahil kanina pa talaga ako gutom. Medyo nabibilaukan ako na kinuha ang baso na may tubig kaso kamay ni Paris ang nahawakan ko.

"Akin 'to." walang emosyon na sabi nya at ininom ang tubig.

Hindi ako makapag-sorry dahil may laman ang bibig ko. Baka matalsikan ko sya, hindi pa naman sila Fin ito. Hinanap ko ang baso ko pero naalala ko wala pala akong basong kinuha. Napahampas ako sa dibdib ko dahil nasasamid na ako.

Kinalbit ko si Fin para painumin nya ako.

"Kape 'to." sabi nya na medyo natatawa dahil nga nabibilaukan na ako. Taena nito nagawa pa akong tawanan, gusto ata ako nitong mamatay eh.

"Paris, painumin mo muna si Jade ng tubig. Puro kape yung samin eh." sabi ni Gia.

Hinampas hampas ko ang dibdib ko dahil talagang hindi na ako makahinga. Tumayo na ako at kumuha ng baso pero kasamaang palad wala ng baso.

Mi Amore Series#2: My Hot PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon